Gary V, gustong magpelikulang muli
September 1, 2001 | 12:00am
Sinabi ni Gary Valenciano during the launching of the updated version of his "Revive" album under Universal Records na gusto niyang muling umarte. Ang problema lamang ay ang napaka-hectic niyang schedule sa pagkanta. "Id like to try acting again, either in movies or theater pero, ayaw ko namang papaghintayin ang mga makakasama ko sa akin if I tape or shoot nang hindi ko pa natatapos ang mga singing commitments ko. If ever, gusto ko na kapag nag-movie or stage ako ay ito ang main commitment ko. Ayaw ko nang sabay sabay ang mga ginagawa ko," simula niya.
Ang updated version ng "Revive" na kung saan nanggaling ang mga awiting "I Will Be Here" ni Steven Curtis Chapman at "Love Is The Answer" ni Todd Rundgren ay mayroon ding kaparehong line-up ng orihinal na album. Ang kaibhan lamang nito ay mayroon itong added bonus: isang VCD na nagtataglay ng music video ng mga awiting "I Will Be Here" at "Lupa". Ang mga bibili nito ay magkakaroon ng pagkakataon na marinig si Gary V. at mapanood ang dalawang video.
Ang "repackaged" album ay dinirihe ni Boom Dayupay na ang kaalaman sa computer-generated video ay ginamit niya para sa grupo niyang Kulay. Kumuha na ito ng maraming local at international awards.
Kararating lamang ni Gary V sa kanyang matagumpay na US tour. Ang kanyang konsyertong Gary V: Radical Tour ay napanood sa pitong cities gaya ng Reno, San Diego, Sacramento, Houston, San Jose, Jacksonville, Florida at Chicago. Sa lahat ng palabas niya, ang Fil-American diva na si Jocelyn Enriquez ang naging front act niya. Nadala na rin niya ang concert tour sa mga siyudad sa Pilipinas gaya ng Bacolod, Davao at Dagupan.
Bukod sa "Lupa" ang iba pang mga cut sa album ay ang mga revival ng "The Warrior Is A Child", "Hindi Kita Malilimutan", "People Need The Lord", "We Are The Reason", "More Than Wonderful" na pinagduwetuhan nila ng Asias 700 Club host na si Tricia Amper-Jimenez.
Ipagpapatuloy ni Gary V ang kanyang national tour sa Alabang Town Plaza, (Set 2), University of Nueva Caceres, Naga City (Set. 7), Captains Bar, Mandarin Hotel (Set. 13), UP theater (Okt. 2), De La Salle gym (Okt. 7), University of Baguio (Okt, 20). May special show siya sa Valle Verde Club (Set. 28) para sa Jubilee Evangelical Church.
Nasa Araneta Coliseum siya sa Okt. 19 kasama sina Aiza Seguerra, Piolo Pascual, Carol Banawa, Karylle at Lani Misalucha para sa isang special concert para sa mga kabataan.
Maaaring magtanong tungkol kay Gary V at sa kanyang mga activities sa Manila Genesis Entertainment sa 7251937 o bumisita sa kanyang website sa www.garyv. com.
Isang kamag-anak na balikbayan ang nagsabi na kalat na kalat daw sa buong US ang mga malalaking poster ni G Toengi para sa Supercuts. Isa raw itong bahay pampaganda na katulad ng Ricky Reyes Salon dito sa atin. Isa raw si G sa apat na modelo na kinuha ng kumpanya para lumabas sa kanilang mga print ads. Isa nang malaking achievement ito ng lokal na aktres na gustong gumawa ng pangalan dun sa Amerika.
Kaisa si Lito Lapid sa madaliang pagbangon ng industriya sa kinalugmukan nito. "Matagal ko nang sinasabi ito. Ang industriya lalong di makakabangon kung tayo-tayo rin ang maglalaban-laban. Kailangang magkaisa tayo. Sa kahit na anong laban, dapat solid tayo. Laban sa piracy. Laban sa di tamang palakad ng ilan sa atin. Laban sa grabeng taxation. Laban sa di tamang paghuhusga ng ilang sektor na di kabilang sa industriya lalo na sa isyu ng censorship. Kung magagawa nating talikuran ang pagkakaiba natin, mas makakabuti."
Contrary too what many foresee about his being forced into temporary hiatus dahilan sa kanyang gawain bilang Gobernador ng Pampanga, matutuwa ang marami niyang tagasubaybay na ipalalabas na ng Regal Films ang natapos niyang pelikula na Bukas Babaha ng Dugo.
Sa halip na magtanim ng galit at paghihiganti sa mga kalaban niya sa pulitika at sa labas nito, mas binibigyan ng atensyon ni Lito Lapid ang pagpapatatag ng kanyang tungkulin at maging ng industriya ng pelikula.
"Sa kanila na rin nagbuhat na ang katotohan ay lalabas sa tamang panahon. Weather-weather lang yan. Pinigilan nilang mabunyag ang katotohanan kaya nang sumambulat ito mabilis na natapos ang maliligaya nilang araw."
Si Baldo Marro ang direktor ng Bukas Babaha ng Dugo.
Ang updated version ng "Revive" na kung saan nanggaling ang mga awiting "I Will Be Here" ni Steven Curtis Chapman at "Love Is The Answer" ni Todd Rundgren ay mayroon ding kaparehong line-up ng orihinal na album. Ang kaibhan lamang nito ay mayroon itong added bonus: isang VCD na nagtataglay ng music video ng mga awiting "I Will Be Here" at "Lupa". Ang mga bibili nito ay magkakaroon ng pagkakataon na marinig si Gary V. at mapanood ang dalawang video.
Ang "repackaged" album ay dinirihe ni Boom Dayupay na ang kaalaman sa computer-generated video ay ginamit niya para sa grupo niyang Kulay. Kumuha na ito ng maraming local at international awards.
Kararating lamang ni Gary V sa kanyang matagumpay na US tour. Ang kanyang konsyertong Gary V: Radical Tour ay napanood sa pitong cities gaya ng Reno, San Diego, Sacramento, Houston, San Jose, Jacksonville, Florida at Chicago. Sa lahat ng palabas niya, ang Fil-American diva na si Jocelyn Enriquez ang naging front act niya. Nadala na rin niya ang concert tour sa mga siyudad sa Pilipinas gaya ng Bacolod, Davao at Dagupan.
Bukod sa "Lupa" ang iba pang mga cut sa album ay ang mga revival ng "The Warrior Is A Child", "Hindi Kita Malilimutan", "People Need The Lord", "We Are The Reason", "More Than Wonderful" na pinagduwetuhan nila ng Asias 700 Club host na si Tricia Amper-Jimenez.
Ipagpapatuloy ni Gary V ang kanyang national tour sa Alabang Town Plaza, (Set 2), University of Nueva Caceres, Naga City (Set. 7), Captains Bar, Mandarin Hotel (Set. 13), UP theater (Okt. 2), De La Salle gym (Okt. 7), University of Baguio (Okt, 20). May special show siya sa Valle Verde Club (Set. 28) para sa Jubilee Evangelical Church.
Nasa Araneta Coliseum siya sa Okt. 19 kasama sina Aiza Seguerra, Piolo Pascual, Carol Banawa, Karylle at Lani Misalucha para sa isang special concert para sa mga kabataan.
Maaaring magtanong tungkol kay Gary V at sa kanyang mga activities sa Manila Genesis Entertainment sa 7251937 o bumisita sa kanyang website sa www.garyv. com.
Contrary too what many foresee about his being forced into temporary hiatus dahilan sa kanyang gawain bilang Gobernador ng Pampanga, matutuwa ang marami niyang tagasubaybay na ipalalabas na ng Regal Films ang natapos niyang pelikula na Bukas Babaha ng Dugo.
Sa halip na magtanim ng galit at paghihiganti sa mga kalaban niya sa pulitika at sa labas nito, mas binibigyan ng atensyon ni Lito Lapid ang pagpapatatag ng kanyang tungkulin at maging ng industriya ng pelikula.
"Sa kanila na rin nagbuhat na ang katotohan ay lalabas sa tamang panahon. Weather-weather lang yan. Pinigilan nilang mabunyag ang katotohanan kaya nang sumambulat ito mabilis na natapos ang maliligaya nilang araw."
Si Baldo Marro ang direktor ng Bukas Babaha ng Dugo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended