Emma Cordero, nanakawan sa NAIA!
August 30, 2001 | 12:00am
Dumating ng Maynila last Sunday ang tinaguriang "Asias Princess of Songs" na si Emma Cordero lulan ng PAL 425 mula sa Fukuoka, Japan at lumapag sa centennial paliparan sa ganap ng 7:30 p.m. after a 45 minutes delayed flight.
Marami ang sumalubong sa singer kasama na ang PR man niya na si Lincoln Cu at Jake Navea at ilang members and officers ng Manila Sunrise Lions Club District 3 O1-A1, ang manager niyang si Obette Serrano, isang tv-movie writer and reporter ng Alas Singko Y Medya.
Pagkatapos ng isang maikling interview at pictorial, tumuloy siya sa Emcor Music Lounge sa EDSA, Pasay City para sa rehearsal ng kanyang show ngayong Huwebes, August 30 sa The Alegria Lounge, Holiday Inn na kung saan makakasama niya sina April Boy Regino at Aiza Seguerra, may pamagat itong Tanging Ikaw.
Malapit na sila sa kanilang pupuntahan nang biglang naalala ni Emma na mayroon siyang isang kulay itim na hand carried bag na nai-check-in kasama ang kanyang maleta at itoy nalimutan niyang kunin. Dali-dali ay bumalik siya ng airport para kunin ang bag. Pagdating dun sinabihan sila na naipadala na ito sa Intel Counter.
Nang ilabas ng mga personnel ng Intel Counter ang bag, nanlumo si Emma, ang tag na nakapalibot sa bag ay sira na. Nakabukas na ang bag! Wala na sa loob ng bag ang isa pang rubberized na bag na naglalaman ng 4 sets of jewelries (diamonds) worth close to 1.5 million at ang naipon niyang pera worth 5000,000 yen. Nawala ang mga pinaghirapan niya sa ibang bansa ng ganun kabilis and its nowhere to be found.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang singer. Walang makapagturo ng bag at walang makasagot sa mga katanungan nila hinggil sa pagkawala nito. Aware kaya si GM Manda sa mga ganitong pangyayari sa loob ng airport? Napag-alaman ng singer na hindi lamang sa kanya nangyari ang ganitong masamang gawain sa loob ng airport.
Sa kanyang rehearsal para sa show nagkaroon ng reaksyon sa singer ang naganap. Nag-collapse ito at kinailangan ng medical treatment.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am