Christopher Roxas, isasama ng kanyang ama sa Paris

Sinabi ni Christopher Roxas na kumpleto na ang kanyang buhay ngayon matapos makita ang amang si Andre Sommereux na isang Pranses. Fifhteen years na hindi nagkasama ang dalawa.

Excited na ang aktor dahil gusto siyang isama ng ama pagpunta nito sa Paris sa unang linggo ng Setyembre. Matagal ding hindi niya nakita ang kanyang lolo at lola doon. Ipapasyal din siya ng ama kung saan mga dalawang linggo ang magiging bakasyon ni Christopher. Gusto rin ng ama ni Christopher na isama si Gladys Reyes kaya lang hindi nito maiwan ang trabaho. Nagte-teyping ang magaling na aktres ng Recuerdo de Amor. Pero pangako ng aktor sa nobya na isasama din niya ito balang araw sa Paris para ipakilala sa kanyang lolo at lola.

Sa kabilang banda, habang walang pelikulang ginagawa si Chris ay abala naman siya sa kanyang buy & sell business. Bumibili siya ng mga lumang sasakyan, pinapalitan ang makina, pinapaganda ito at saka ipagbibili. Masinop sa pera ang aktor at nag-iipon pa para maging handa sakaling magpakasal na sila ni Gladys two years from now.
Jeffrey, mas gustong umarte kaysa Magdirek
Saludo si Jeffrey Quizon sa kapatid niyang si Eric dahil magaling itong direktor at aktor. Mabilis magtrabaho ang kanyang kapatid kapag nagdidirek pero pulido ang proyekto. Kung siya ang masusunod mas gugustuhin niyang umarte na lang kaysa magdirek. Kailan lang nagsimula sa pag-arte si Epi kumpara sa kapatid. Pero napansin agad ang kanyang galing sa akting.

Loveless pa rin ngayon si Epi since nang mag-break sila ni Giselle Toengi.
Allona, magpo-prodyus ng "Party Fever"
Tuluy-tuloy na ang pagpo-prodyus ng show ng seksing si Allona Amor under Archer Productions and Entertainment Network na pag-aari din niya. Naghahanda na sila ng show sa Oktubre 3 titled "Party Fever." kasama ni Allona ang Band at Work sa Capo D’ Boss. Nasa Baguio naman sila sa Nobyembre 16 para sa show na pinamagatang "Party On The Loose" na gagawin sa Spirits Disco kasama uli ang Band At Work at iba pang malalaking guest.

Isa pa rin sa mga pangarap ni Allona ay makapagprodyus ng show kung saan pawang magagaling at sikat na banda ang mapapanood sa mas malaking venue.

Hindi lang pagpoprodyus ang pinagkakaabalahan ng magandang aktres kundi gayundin ang patuloy na paggawa ng pelikula gaya ng Bay Angels under True Colors Film Production. May mga iba pa siyang tinatapos.
Ogie, ipapasyal ang anak sa Disneyland
Laging sinasabi ng anak ni Ogie Alcasid na gusto niyang pumunta ng Disneyland, kaya ngayong magaling na ito ay pupunta silang pamilya sa Amerika para ipasyal ang anak sa Florida. Nataong may concert sa October 14 sa Canada ang singer-composer. Naawa si Ogie sa anak nang ito’y magka-dengue kaya pinagbigyan ang kahilingan nito na makapunta sa Disneyland.
Blind Item: Mabaho ang sikat na Aktres
Malinis naman sa katawan ang sikat na aktres na ito pero natuklasan na may roon itong di kanais-nais na amoy nang minsang magsyuting sila for a commercial. Nang pagpawisan ang aktres ay may naamoy sila sa dakong ibabang bahagi ng katawan nito. Nang magpalit siya ng damit ay dumikit ang amoy sa palda nito na naamoy ng isang lady assistant ng komersyal dahil ibinigay sa kanya ang damit. Hindi kaya may buwanang dalaw ang aktres nang araw na yon kaya masangsang ang amoy na nanggaling sa ibabang bahagi ng katawan nito?

In-demand sa pelikula at telebisyon ang sikat na aktres na ito na isa ring matagumpay na artista.

Show comments