Di type ni Patrick ang matanda!
August 29, 2001 | 12:00am
Isa rin si Patrick Garcia sa mga naugnay sa kontrobersiyal na teen star na si Anne Curtis. Ang sabi-sabi pa, isa rin si Patrick sa mga tinawagan ni Anne nung gabing magkaroon ng upakan between Oyo Boy Sotto and Cogie Domingo.
Mabuti na nga lang daw at hindi nakarating si Patrick that night, or else nakasama rin siya sa gulo. At ano nga raw ba ang totoo sa imbitasyon din sa kanya ni Anne nung gabing yon?
"Wala namang imbitasyon eh. Kahit ako, nagulat na rin lang sa nangyari. Tsaka kaibigan ko si Cogie, kaya hindi ko rin alam kung anong magiging reaction ko kung sakaling present din ako sa nangyari.
"Si Anne naman, shes just a friend. Kaibigan kasi siya ng sister ko kaya nagkalapit din kami. But nothing is going on between us. Were just friends and thats it," mahabang paglilinaw naman agad ni Mr. Garcia.
Pero paano nga raw ba niya maipagtatanggol si Anne sa image nito ngayon na malandi at playgirl?
"Misinterpreted din lang siya. Hindi rin dapat siyang husgahan ng ganon. I dont think its fair na i-judge agad siya ng mga tao na hindi naman siya ganon kakilala. You have to know her first.
"Medyo flirty lang siguro siyang magsalita. I mean, medyo malambing ang kanyang boses, but that doesnt mean na malandi na siya or what. Its really unfair to her," depensa na rin niya sa dalaga.
Samantala, minsan na ring natsismis si Patrick sa isang non-showbiz girl na ten years ang tanda sa kanya. Ito rin daw ang sinasabing "sugar mommy" niya? At ano na nga raw ba ang nangyari rito?
"Actually, kaibigan din lang siya ng sister ko. Sumasama rin ako sa mga gimik nila minsan kaya siguro nagkaroon ng ganong tsismis. Dito naman kasi sa atin, makita lang na may kasama kang iba, intriga na agad, di ba?
"Hindi ko rin type na pumatol sa mas matanda sa akin. Gusto ko, yung kaedad ko," diin pa ni Patrick. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
21 hours ago
By Salve Asis | 21 hours ago
21 hours ago
By Boy Abunda | 21 hours ago
21 hours ago
By Gorgy Rula | 21 hours ago
Recommended