"Takot na takot talaga si Vilma hindi para sa sarili niya kundi para sa mga anak at sa pamilya niya. Okey lang naman na magserbisyo siya sa bayan ng Lipa bilang mayor pero yung madamay pati ang mga anak niya para sa kanya ay ibang usapan na yon," sabi pa ng source namin.
May isang malaking dahilan kung bakit napilitang umalis ng bansa si Vilma at mag-leave sa opisina niya sa Lipa bilang mayor. Yon daw ay ang insidente kung saan may natagpuang isang granada sa loob ng kanyang sasakyan na naupuan pa mismo ng aktres kalakip ang isang sulat.
"Nanginig si Vilma nang makita ang granada. May driver siya kaya nagtataka siya kung paano yun naipasok sa kanyang sasakyan. Mas lalo siyang nanghilakbot nang mabasa niya ang note na ang nakasaad ay iisa-isahin ko ang pamilya mo. Natakot si Vilma sa posibleng mangyari sa pamilya niya kaya nag-file agad siya ng leave sa kanyang opisina sa Lipa," lahad pa ng source namin.
Samantala, walang nakakaalam ngayon sa totoong kinaroroonan ni Vilma Santos at ng mga anak nito. Kahit si Sen. Recto ay ayaw namang magbigay ng pahayag tungkol dito.
"Kung magsasalita kasi sila, baka mas lalo silang pag-initan ng sindikatong nakabangga nila kaya mas ginusto na lang nilang manahimik muna. Nakakaawa nga si Vilma, eh. Wala siyang ibang gusto kundi ang mapagsilbihan ang mga kababayan niya sa Lipa pero ito pa ang natamo niya," sabi pa ng aming source. (Ulat ni Leo Bukas)