Nagtaka kami kung bakit sa higpit ng security ngayon sa pamilya ni Sen.
Ralph at Mayor
Vilma Santos Recto ay nakakalabas pa rin si
Lucky. Nakita namin siya sa
Master Showman noong Sabado at sinamahan ang kanyang girlfriend na si
Nancy Castillon na naging guest ni Kuya
Germs at umawit ng isang Broadway song. Maganda pala ang boses nito at puwedeng maging isang singer.
Pinapanood ni Lucky ang nobya at very proud siya dito. Nang matapos ang number ng dilag ay dali-daling umalis ang dalawa.
Napag-alaman namin sa isang taong malapit kay Vi na hindi natuloy ang syuting nito ng
Dekada 70 two weeks ago dahil sa death threat sa kanyang pamilya. Ayon pa sa aking source, sinabi ni Vi na higit siyang nag-aalala sa kanyang mga anak. Magpapalamig muna ang buong pamilya sa pamamagitan ng pagbabakasyon sa ibang bansa.
BMG - dinemanda ni Angelika |
Imbyerna nang husto si Daddy
Ernie dahil hanggang ngayon ay ayaw pa ring pakawalan ng
BMG Records si
Angelika dela Cruz. "Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hinahabol pa nito ang aking anak gayung matagal nang tapos ang aming kontrata sa kanila. Noong nasa kanila ang aking anak ay iisa lang album ang nagawa nito. Ngayong kinuha siya ng
Alpha ay saka sasabihing hindi pa tapos ang kontrata namin. Tuloy hindi makapagsimula ng album sa ibang recording company si Angelika dahil natatakot naman ang
Alpha sa banta ng
BMG. Para matapos na ito ay minabuti kong sa husgado na lang kami magkita kaya tuloy na ang aming hearing," ani Daddy Ernie.
Na-compensate ang lahat ng sama ng loob sa
BMG ni Daddy Ernie dahil sikat na ang kanyang
Freshmen Band na kanyang mina-manage. Katunayan ay sinusuportahan ang banda ng
ABS-CBN. Sila ang aawit ng theme song ng pelikulang
Trip na tinatampukan nina
Jericho Rosales, Kristine Hermosa at
Marvin Agustin. Ang kanilang awiting
Trip Mo Ba ay nasa listahan ng most requested song sa FM station.
Regular na ring mapapakinggan ang grupo na tumutugtog sa Soundstage sa Cainta tuwing Lunes at Huwebes naman sa Padis sa Araneta, Cubao. Tumutugtog din sila isang beses buwan-buwan sa Padis sa Baguio City. Abala din ang grupo sa mga mall shows.
Ang mga miyembro ng banda ay sina
Edward dela Cruz (lead guitarist)
Jerome Raymundo (bass),
Roel Aldana at
Walton Zerdo (vocalists) at
Daziel Ledda (drummer). Naghahanap ang grupo ng guwapong keyboardist na ang edad ay mula 17-24 years old. Tumawag lang kay Ernie sa telepono blg. 2853373 o 287-2732 para sa karagdagang impormasyon.
Toni, may tiwala kay Dingdong |
Lately ay nali-link si
Dingdong Dantes kay
Bianca Lapus pero hindi apektado si
Antoinette Taus. Ayon sa aktres, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay naroon lagi ang tiwala. Kahit magkalayo sila ni Dingdong ay naniniwala siyang panahon lang ang makapagsasabi kung talagang sila nga ang para sa isat-isa.
Kapag nasa Amerika si Toni ay regular ang komunikasyon nilahalos araw-araw ay nagtatawagan ang dalawa kaya nga umabot ang kanilang bill ng 40,000 na pinaghatiang bayaran ng dalawa.
Balitang dito idaraos ni Toni ang kanyang kaarawan (Sept. 1) kaya magiging maligaya si Dingdong dahil makakapiling niya ang dalaga.
Walang alam na contestant |
Sarap sermunan ng dalawang contestant sa
Eat Bulaga noong Sabado sa portion na
Korek Ka Dyan! Ang tanong ay kung anong bansa ang tinaguriang "Pearl of the Orient Sea". Ang pinagpiliang bansa ay Indonesia, China at Pilipinas. Parehong hindi nakasagot ang dalawa at di alam na Pilipinas ang sagot. Dapat ay mag-review sila ng Philippine History. Nakakahiya na ang mga kabataan ngayon dahil hindi alam ang mga mahahalagang bagay tungkol sa ating bansa.