Rica/Assunta nagtarayan
August 27, 2001 | 12:00am
Nagsimula nang magtarayan ang current sex objects na sina Rica Peralejo at Assunta de Rossi.
Sa mga lumalabas, minaliit daw ni Assunta ang mga pelikulang ginawa ni Rica na di raw kumita sa takilya, samantalang blockbuster naman ang kanyang first bold film na Red Diaries.
Nagbitaw pa raw ng pahayag si Assunta na hindi naman daw makakayang gawin ni Rica ang kanyang ginagawa.
Pero sinagot naman daw ito ni Rica nang patama na wala raw padding ang kita ng mga pelikula niya sa box office. Hindi raw tulad ng pelikula ni Assunta na pineke ang gross income.
At buhat na rin kay Rica, wala rin daw siyang plano na ma- kipag-compete kay Assunta kung hubaran ang labanan. Naniniwala nga si Rica na may magagawa siya na di magagawa ni Assunta and vice versa.
"Alam nyo kasi, nung magpaseksi ako, never na pumasok sa isip ko na kailangan talunin ko si ganito o si ganyan. Kilala nyo ako, hindi uso sa akin ang competition.
"Ngayon kung pinipilit nung iba itong contest daw sa amin ni Assunta, hindi ko po papatulan. Basta masaya ako sa ginagawa ko. Marami akong trabaho, at di ko na maisisingit pa ang mga intriga!" pag-iwas ni Ms. Peralejo.
Meanwhile, mas matatanggap pa raw ni Rica ang bansag na Bold Queen kesa tawagin siyang Marijuana Queen.
"Over yon. Mabuti sana kung totoo, pero kahit tikim, never ko pang nagagawa yon. And please, tantanan na po ako ng mga isyung ganyan. Ilang beses din ba ako kailangang magpaliwanag? "Hello!
"Tawagin nyo na akong Bold Queen, huwag lang Marijuana Queen!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
29 minutes ago
By Gorgy Rula | 29 minutes ago
29 minutes ago
By Leon Guerrero | 29 minutes ago
Recommended