"Its just a matter of playing fair now with producers," entrada ni direk William. "Ang hinihiling ko lang naman kay Wilson, yung mga tao, bayaran sa tamang oras, hindi naman masyadong malaki, disente ang presyo, and rest assure that we will help you, we will support you, we will be honest with you. We will deliver peso-for-peso value ng ginastos mo sa pelikula.
"May puso si Wilson. In spite of the situation in the industry, gumagawa siya ngayon ng pelikula. The movie industry now needs jobs to sustain their living. Naniniwala siya doon dahil may puso nga siya. May mga kaibigan siyang producers na dini-discourage siyang mag-activate muli sa paggawa ng Tagalog films. Sabi ko sa kanya, in every crisis, there is a hero. You have to stand up amidst the crisis. Pag masaya ang lahat, hindi ka noticeable."
Seatmates sina William at Wilson sa board of governors sa Film Academy. Nakita ni Wilson na ipinaglalaban ni William ang karapatan ng mga manggagawa sa industriya. "Nakita niya yung conviction ko, na hindi naman ako makasarili, that I am helping out the guilds practically. Madalas kaming mag-usap dahil siya ang presidente ng IMPIDAP at ako naman ang presidente ng KDPP (Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino). He signed the MOA (memorandum of agreement) of KDPP with lots of benefits for the directors. For the first time, as history ng directors guild, ngayon lang may insurance ang mga direktor. During their work, from start to finish, insured ang lahat ng direktor na magtatrabaho sa IMPIDAP at PMPPA."
Si Sam Peckinpah na gumawa ng The Getaway, Straw Dogs at The Wild Bunch ang Hollywood director na hinahangaan ni William. "Actually, Peckinpah is the idol of John Woo. Doon siya nangongopya. Sa Tagalog, marami akong hinahangaan. Gusto ko si Fyke Cinco. Hanga rin ako sa tatay ko bilang direktor, si Eddie Mayo. My father is a good director. Hes just not so lucky. Nagsimula siyang magdirek noong 1960. Nang pumasok na ako para magdirek, doon na siya huminto. I started directing at 21. Nang magsimula ako, nagpahinga na siya."
Preparatory Medicine ang kursong kinuha ni William noon. "Two years na lang, ga-graduate na ako. Pero hindi ko na natapos. My father really wants me to finish my studies. I also really want to take up Medicine. But directing is in the blood. I was 14 when I took up interest in my fathers job. Ayaw niya akong makita sa shooting. Pag nakikita niya ako, pinauuwi ako. Pero secretly, I went to locations. Hindi ako nagpapakita. During my high school days, ako ang gumagawa ng mga budget niyan. Kasi, medyo malabo ang mga mata niyan. Kaya I am very used to making production costs. Ako ang nagli-lay out ng lahat ng production costs niya, ako ang nagba-budget. Natuto ako doon. Pero pagdating sa shooting, yon ang ayaw niya. Pero nakakagawa ako ng paraan na makapunta sa shooting niya na hindi niya alam," pagbabalik-tanaw ni direk na nagtuturo ng Mass Com sa New Era University.
Ang unang pelikulang dinirek ni William Mayo ay ang Tulume Alyas Zorro noong 1983. Pinangungunahan ito nina George Javier at Carmi Martin. Sa ngayon, mahigit 40 pelikula na ang nagawa niya. Ang maituturing niyang importanteng nagawa niya ay ang Aginaldo: Agila ng Cagayan, Col. Bibit, RAM at Bunso. "Yung Bunso ang highest film grosser ni Jeric Raval, so far. Pitong pelikula ang nagawa ko na pinagbidahan ni Jeric."
Kitang-kita ang friendship nina William at Jeric. Nagsimula ang bigkis noong lapitan ni Jeric si William sa problema niya sa OctoArts. "When he bolted out from OctoArts, he sought my assistance for a legal lawyer dahil naitayo na namin noon yung Concerned Workers. Nagpapatulong siya noon, ididemanda siya ng Octo. Na-misinterpret nila yung tulong ko. Kaya nang idemanda nila si Jeric, kasama rin akong idinimanda. They thought I was the new manager. They had the wrong information. Thats why they lost the case, for lack of merits."
Pangatlong term na ni William Mayo bilang pangulo ng KDPP. Walang limitasyon ang posisyong ito hanggat gusto pa siya ng mga miyembro. Sa panahon niya nakipag-split ang ibang mga direktor para magtayo ng sarili nilang DGPI. "When I assumed the KDPP presidency, I made it intact. Some disgruntled members like Willy Milan, Romy Suzara, Joey del Rosario are coming back. I will be meeting with Laurice Guillen soon. Natutuwa ako sa pagbabalik nila sa KDPP. It is a sign that they recognize my leadership."