Gusto kasi ni Aga na nasa bahay lang para bantayan at hintayin ang kambal nila.
Isa sa hindi matutuloy na project ay yung movie niya with Maricel Soriano under Star Cinema. Hindi na rin muna niya gagawin yung movie with Sharon Cuneta dahil nagpasabi na raw si Sharon na gagawin muna niya yung movie with Robin Padilla sa Viva Films.
Sinabi raw ni Sharon na mas okey na tapusin muna niya ang movie with Robin para pagso-shooting nila ni Aga, mas slim na siya.
Katuwiran din ni Aga, naka-two movies naman siya this year. Pareho pang kumita - na ayon nga sa report ng ABS-CBN, ang dalawang movie lang ni Aga (Narinig Mo Na Ba Ang L8est with Joyce Jimenez & Pangako Ikaw Lang with Regine Velasquez) ang masasabing box-office hit ngayong taon.
Kaka-renew lang ni Aga ng contract sa Bobson Jeans owned by Victor Tan as official endorser.
Anyway, naka-set-up na ang baby room para sa kanilang kambal. One girl and one boy ang magiging anak nila. Walang definite date kung kailan ang due ni Charlene dahil nga kambal ang baby.
Hindi malinaw kung saang kumpanya konektado si Ms. Bernardo dahil hindi siya nagbigay ng telephone number at walang logo ang fax letter na na-recieve ko. Hindi rin niya nabanggit kung paano siya nakasama sa sinasabing insidente. Ang tanging nabanggit niya ay saksi siya sa meeting na naganap sa pagitan ni Ms. Concio at ni Bro. Eddie.
Minabuti kong kumpirmahin ang mga naging pahayag ni Ms. Bernardo kay Joey Isabelo, ang general manager ng NBN.
Narito po ang ilang maselang bahagi ng liham ni Ms. Bernardo, kasunod ang naging reaction naman ni GM Isabelo:
Ms. Bernardo: Saksi ako sa isinagawang meeting sa pagitan ng NBN at ni Bro. Eddie tungkol sa mga programang Diyos at Bayan at Jesus the Healer. Sa katunayan, ang meeting ay itinakda sa pagitan nina Bro. Eddie at NBN General Manager Joey Isabelo. Hindi naman kasama sa naturang meeting si Ms. Concio, ngunit sa actual meeting, siyay dumating at sumali sa diskusyon. Usapin ukol sa airtime rate ng (dalawang programang nabanggit) ang paksa ng meeting.
GM Isabelo: Hindi inilalahad sa liham na ito ang ilang bagay na mahalaga para maunawaan ang sitwasyon. Isa rito ang bagay na kadarating lamang ni Bro.Eddie mula sa ibang bansa, diumano, at nagtaka siya sa airtime rate ng NBN at sa kasunduang namagitan sa kanyang representative at sa NBN. Nakipag-meeting siya sa pag-asang maipapabago niya ang nakasaad sa kontrata na pirmado ng kanyang representative. In fairness to Ms. Concio, who is Chairman and President of NBN, it should be made clear that it was Ms. Concio, personally, who attended to closing the contract with representatives of Jesus Is Lord, and therefore was in the best position to be in that meeting with Bro. Eddie. Im only the general manager. Ms. Concio and the board make the final decisions where management policies are concerned.
Ms. Bernardo: "Hindi po totoo na nag-demand at humingi si Bro. Eddie ng libreng airtime kay Ms. Concio para maipalabas ang kanyang programa. In fact, sila ay nakapagbayad na ng airtime, at ang tanging naging hiling ni Bro. Eddie ay kung maaaring makakuha ng mas mababang rate, dahil may kamahalan ang halagang hinihingi ng NBN. Ito naman ay standard industry practice na maaring hilingin sa kahit saang broadcast television station."
GM Isabelo: I will leave the matter of what Bro. Eddie said or did not say during the meeting to Bro. Eddie. Ang pag-uukulan ko na lamang ng pansin ay ang nabanggit na "standard industry practice." Gaya nang nasasaad sa liham na ito, standard practice ang humiling ng mas mababang rate at tama rin sabihin na maari itong hilingin sa kahit saang broadcast television station. Pero kung ano ang magiging sagot sa kahilingan ay ibang usapan. Depende ito sa magiging resulta ng negosasyon, at ito na nga ang nangyari sa pagitan ng mga representatives ng Jesus Is Lord o ni Bro. Eddie in his absence. Kailangang linawin na ang nangyari ay hindi sang-ayon si Bro. Eddie sa naging resulta ng nasabing negosasyon kaya siya nagpa-meeting. Maaaring inakala niya na kung siya ang makikipag-meeting ay magagawa pang baguhin ang naunang kasunduan."
Ms. Bernardo: Subalit sa simula pa lamang ng usapan, halata na agad ang hostility ni Ms. Concio sa grupo nina Bro. Eddie, sa dahilang siguroy siya lang ang nakakaalam. At one point, sinabi niya na hindi raw kailangan ng NBN ang programang Diyos at Bayan at Jesus the Healer dahil hindi ito ayon sa kanilang programming. Idinagdag pa niya na kung siya ang masusunod, nais na niyang ipasara ang naturang istasyon dahil sa kahihingi ng libreng airtime ng mga pulitikong nasa panig ng administrasyon. At sa gitna nga ng meeting ay bigla na lang tumayo si Ms. Concio at makaraan ang ilang saglit ay dumating ang kanyang assistant upang kunin ang mga gamit ni Ms. Concio at sinabing dinala raw ito sa hospital."
GM Isabelo: "I dont wish to get into a word war with this letter writer who, apparently from the tone of this letter is more concerned in putting down the government network in reaction to managements decision to stand by its policy and what it deemed beneficial to its operations. It is unfortunate that Ms. Bernardo should be as adamant as her letter sounds or that she should choose to be confrontational rather than to be more understanding. I suggest that we leave this issue to Bro. Eddies better judgment as he is in a better position to deal with his people."
Base sa aking pagtatanong, na hindi nabanggit ni Ms. Bernardo, ang Jesus Is Lord ay kasalukuyang may sarili nang television network, ang Channel 11. Kung matatandaan natin, nagkaroon ng malaking diskusyon noon kung sino ang magmamay-ari at magpapatakbo ng Channel 11 - si Bro. Mike Velarde ba o si Bro. Eddie Villanueva; ang El Shaddai ba o ang Jesus Is Lord. At ang nanaig ay ang grupo ni Brother Eddie nga.
May nagtanong tuloy kung bakit kailangan pa ngayon ni Bro. Eddie Villanueva na gumamit ng ibang television network? Ang sagot daw po dito ay minabuti ni Bro. Eddie na ipa-rent ang nasabing network sa CNBC, isang international TV network. At dahil dito, kinailangan nang Jesus Is Lord na bumili ng airtime sa ibang TV network. At dahil dito, kinailangan nang Jesus Is Lord na bumili ng airtime sa ibang TV network para sa broadcast ng kanilang mga programa na Diyos at Bayan at Jesus the Healer.
Ipinaliwanag din ni Mr. Isabelo sa isang telephone interview, na ang rate para sa airtime na ibinigay sa JIL ay mababa nang talaga, at ang kanilang pagtanggap sa grupo ay totoong labas sa napagkasunduang policy ng NBN board. "Kung mas mababang rate pa ang ibibigay namin gaya ng ibig mangyari ni Bro. Eddie, lalabas na abonado pa ang NBN para lang mapagbigyan siya," sabi ni GM Isabelo. Pondo ang pinakamalaking problema ng NBN sa kasalukuyan. "Ito na rin ang dahilan kung bakit napagbigyan ang grupo ni Bro. Eddie in the first place," patuloy ni Isabelo. "Kahit papaano, kung ang pagpasok ng Jesus Is Lord ay mangangahulugan na magkakaroon ng konting income para sa NBN ay pumayag na rin ang management."
Pero sa kabila ng naunang agreement, nag-pull-out na raw ang DAB sa NBN ayon pa rin sa sulat ni Ms. Bernardo.