Baklang aktor, ka-on ng sexy star

Mahilig sa public display of affection ang dalawang celebrities na ito. Kapag dumadalo ng mga showbiz gathering ang magnobyo ay hindi sila nahihiyang maghalikan at magyakapan kahit sa harap ng maraming tao. Bago pa lang ang relasyon kaya sweet na sweet sa isa’t-isa.

Kaso may pagka-baklita ang aktor at ayaw maniwala ng iba na tunay itong lalaki. ‘‘Baka ginagamit lang niya ang aktres na nobya,’’ sey ng bading na writer. Balitang ang seksing aktres ang magiging pambatong bituin ng isang major company ngayon at bibigyan pa ng launching movie.

Ang aktor ay lumabas sa mga sexy movies noon at ang aktres naman ay naging kontrobersyal dahil sa pakikipag-away sa dalawang artista.
Angela, Sinisiraan sa Dos
Isa sa mga iniintriga ngayon sa ABS-CBN si Angela Velez dahil sa umano’y pagiging malapit niya sa isang executive ng Dos. Nabigyan daw ng apat na assignments ang sexy actress gaya ng Sa Dulo ng Walang Hanggan, Magandang Tanghali Bayan, Home Along Da Riles at G-Mik. Ang umano’y naninira kay Angela ay mga kapwa bold stars na naiinggit sa kanyang inaaning tagumpay ngayon.

Bukod sa dami ng TV shows ay may pelikula rin siyang ipalalabas, Parehas Ang Laban na pinangungunahan ni Ian Veneracion. ‘‘Hindi ako nagpapaapekto sa intriga at iniisip na kaya ako sinisiraan ay dahil tuluy-tuloy ang aking mga projects samantalang wala silang ginagawa dahil may slump ang movie industry. Sinusuportahan ako ng Dos dahil mahal ko ang aking trabaho. Wala akong lover na taga-ABS-CBN," aniya.

Going strong pa rin ang relasyon nila ni John Apacible.
Daisy, Asikaso ni Ian
Noong naghahanap ng leading lady ang Solar Films para itambal kay Ian Veneracion sa Parehas Ang Laban ay nagkaisa ang lahat na kunin si Daisy Reyes. Kahit pala ang action star ay gusto ring maging leading lady ang magandang aktres. Bagay sila at parehong matangkad. ‘‘Sweet at innocent ang beauty ni Daisy gusto ko siyang makapareha at higit sa lahat magaling din siyang umarte. Wala kaming naging problema sa set dahil propesyonal siya,’’ aniya.

Gagampanan ni Daisy ang papel ni Mildred na asawa ni David (Ian) na may isang anak. Walang gaanong maiinit na eksena dahil hard-action movie.

Sa kabilang banda, puring-puri ni Daisy ang kanyang leading man dahil mabait at maasikaso sa set si Ian.
Movie ni Mylene, di tuloy!
Ayon sa isang taga-Viva Films ay hindi na matutuloy ang isang project na gagawin sa kanila ni Maylene Dizon.

Nag-iisip pa sila ng bagong concept sa na-shelved na proyekto. Ayon sa kanila ay hindi bagay sa seksing aktres ang pelikula na mala-Lara Croft ng Tomb Raider ang dating.

May balak din ang Solar Films na kunin ang serbisyo niya sa isang pelikula na pang Metro Manila Film Festival.
Alessandra, Gagaya kay Assunta
Pagkatapos kumita sa takilya ang Red Diaries na tinampukan ni Assunta de Rossi ay may balitang magpapa-sexy na rin ang nakababatang kapatid niyang si Alessandra. Inihahanda na ang isang pelikula ng Regal Films ayon sa aking source na pagsasamahan ng magkapatid.

Kung matatandaan ay pumayag ang nakababatang kapatid ni Assunta na magkaroon ng rape scene sa Azucena.

Baka si Joel Lamangan ang maging direktor nila at isang retarded ang papel na gagampanan ni Alessandra. Ano ang reaksyon ni Assunta sa gagawing pagpapa-sexy ng kapatid? ‘‘Okey lang naman ito kaya nga lagi kong sinasabi sa aking kapatid na kung anuman ang maging desisyon niya ay gawin niya ito at hindi yong nakinig lang sa sulsol para magpa-sexy sa movie. Baka sa dakong huli ay magsisisi lang siya,’’ ani Assunta.
TV Show ni Anne, Iniurong!
Dapat ay bibigyan si Anne Curtis ng Viva Films ng TV show na pinamagatang Jam na mala-Arriba! Arriba! ang dating. Kaso hindi yata na-impress ang mga big boss ng Viva nang mapanood ang pilot episode ng programa dahil hindi magaling umarte ang dalagita. Kaya hindi na ito itutuloy.

Show comments