Regine exclusive sa Viva!
August 23, 2001 | 12:00am
Pumirma nung Martes ng hapon ng isang three- picture, exclusive contract sa Viva Films si Regine Velasquez. Ipinahayag ni Vic del Rosario na sumaksi sa contract signing kasama ang ama ng singer na si Mang Gerry Velasquez at Vincent del Rosario, nang tanungin siya kung hanggang kailan tatagal ang nasabing kontrata, na depende yun kay Regine bagaman at inaasahan niya na makakadalawang pelikula sa isang taon si Regine. "Dati, one picture a year lang siya pero, ngayon baka makadalawa siya," sabi niya.
Para sa kanyang next movie, makakatambal ni Regine si Richard Gomez sa isang love story na may tema ng "Pagdating ng Panahon" pero iba ang istorya kaysa sa dapat sana ay pagtatambalan nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na naging si Sharon Cuneta sa Viva rin.
Gusto rin ni Regine na makapareha sina Michael V. at Cesar Montano. "Gusto ko ring makasama muli si Rufa Mae (Quinto)," aniya.
Thirteen years na simula nang unang gumawa ng pelikula si Regine. Ang pinaka-malaking break niya ay ang Wanted: Perfect Mother kasama si Christopher de Leon. Isa itong big hit. Unfortunately, ang dalawang sumunod niyang pelikula ay hindi gaanong tinangkilik ng manonood. "Gusto ng tao ay mapanood siya sa isang love story," ang paliwanag ni Boss Vic.
"Akala ko sa Wanted: Perfect Mother ay kaibigan o kabarkada lang ako ng bida. Di ko alam ako na pala ang bida," kwento ni Regine.
"Gusto ko lang na movie ay yung kaya ko pero, sa Pangako..., I felt medyo mabigat na ang role ko, may depth na pero sana ang gusto ko ay mag-stay muna sa ganitong tema ng pelikula.
"If ever na magpalit ng tempo ang pelikula ko, gusto ko sana action pero hindi yung hinahatak-hatak lang ng leading man ang babae. Gusto ko yung tipong Charlies Angels o Tomb Raider."
Sa kanyang pagpirma ng bagong kontrata sa Viva, sinabi ni Boss Vic na exclusive sa kanyang kumpanya ang singer. Marami tuloy ang nakaalala sa sinabi ni Piolo Pascual na pumayag na si Regine na tumambal sa kanya in principle. If ever, kailangang ipahiram siya ng ABS CBN sa Viva para lamang magkaroon ito ng katuparan. O vice versa. Alin kaya sa dalawang movie companies ang magbibigay daan?
Napanood ko ang trailer ng Bakit Di Totohanin nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual ay mayroon itong kilig factor. Sure ako na maa-appreciate ito ng mga manonood, young and old alike.
Tulad nang naganap sa movie nina Aga Muhlach at Regine Velasquez, sinusuportahan ng mga manonood ang magagandang pelikula, mayroon man o walang romansa ang mga artista nito. Bagaman at wala pang relasyon sa ngayon sina Juday at Piolo, the fans are hopeful na sa kanilang kasususog ay dito rin mauuwi ang dalawa. Pero habang di pa nagaganap ito, isang magandang movie ang natapos ng dalawa na inaasahang magi-establish sa kanila bilang isang loveteam. Maganda rin ang role dito ni Jeffrey Quizon bilang kapatid na bakla ni Juday at anak ng isang ex boxing champion. Pang-huling gay role na ito ni Epi kaya dapat panoorin. Samantala, sinabi ni Juday na ayaw niyang mag-expect ng husto sa kalalabasan ng Bakit Di Totohanin sa takilya.
"Di komo maganda ang samahan namin at approved ng mga fans ay nangangahulugan na panonoorin nila ang pelikula. Paano, kung hindi? Mas mabuti nang wag mag-expect at umasa na lamang na tatangkilikin ng manonood ang movie dahil maganda ito at di dahil sa maganda naming relasyon ni Piolo," aniya.
Nang pansinin ang too close for comfort na relasyon nila ng batang aktor na madalas ay hindi lamang sila sa harap ng camera naghahalikan kundi maski na hindi na ito gumigiling, sinabi ni Juday na "Marami ngang mag-boyfriend ang mas mahigit pa sa amin ang ipinakikitang sweetness in public. Kami naman ni Piolo, smack lang kung mag-kiss. Hindi naman ako papayag sa too much display of public affection. Mahiyain din ako. Sa amin, what you see is what you get. Ganun talaga kami, walang halong kaplastikan. Were really close," dagdag pa niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended