^

PSN Showbiz

Kristine selos to death sa mga babaeng nali-link k

-
Selos to death daw si Kristine Hermosa sa mga babaeng nali-link ngayon kay Jericho Rosales, lalo na kay Angelika dela Cruz na sabi’y mahal pa rin ng binata magpahanggang ngayon.

At ano na nga raw ba ang real score ngayon between Jericho and Kristine? May aaminin na ba sila?

"Kami ni Kristine, I would say na may ‘understanding’ na sa aming dalawa. We enjoy each other’s company. Pareho na kaming nagkakaintindihan. Kung kami, malalaman n’yo rin naman. Kung hindi, huwag naman nating ipilit. Basta okey kami na ganito," pahayag ni Mr. Rosales.

Naging isyu rin ang umano’y dumagsang indecent proposal sa kanya mula sa mga bading at matrona pagkatapos ng matagumpay na concert nila ng mga kasamahan niya sa Hunks.

"Hindi siguro maiiwasan ‘yon," at napangisi pa ang guwapong aktor.

"Kung ako ang tatanungin n‘yo, walang problema kung ‘yong offer nila ay friendship but more than that, mahirap na. Pag-iisipan ko muna siguro!" at napatawa siya ng malakas.

"Mahirap magsalita. Hindi sa pagmamalinis, but as much as possible, huwag na lang, ‘di ba? Maging magkaibigan na lang kami, mas malayo pa ang mararating natin," biro na naman niya.

Anyway, at this early, matunog na ang pangalan ni Jericho sa best actor race sa Star Awards for TV. Wala na nga raw makakatalo pa sa performance niya araw-araw sa Pangako Sa ‘Yo.

"Ayoko ring isipin. Masyado pa ‘atang maaga. Gusto ko na lang magpasalamat sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa akin. ‘Yung award, bonus na lang talaga ‘yon.

"Kung manalo, salamat ng marami. Kung hindi, okey din lang. Basta ang importante, marami kang napapasayang tao," sabi na lang niya. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

ANGELIKA

AYOKO

JERICHO AND KRISTINE

JERICHO ROSALES

KRISTINE HERMOSA

MR. ROSALES

PANGAKO SA

ROBERT PEREZ

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with