Palaban si Sydney

Hindi nauubusan ng bagong mukha ang daigdig ng showbiz. At pulos sila magaganda at batang-bata. Isa na dito si Sydney Segovia ang baguhang bold star na umaariba ang career sa kasalukuyan. Sa pelikulang Dugo sa Buhangin kasama niya sina Joko Diaz, Stella L, Joana Gonzales at Kara Kristel. Produced ng Manhattan Asia Production.

"Matagal ko nang gustong mag-artista. Naghihintay lang talaga ako ng break," sabi ni Sydney. Mabuti na lang binigyan siya ng break sa movie kasama ni Joko. Naghihintay lang ng playdate para sa naturang movie na kung saan itatampok si Sydney.

Noong Agosto 17 nagpatalbugan sila ni Ian Valdez sa Capo D Boss sa Makati. Malakas ang appeal niya sa tao. No wonder, nabigyan siya ng break sa pelikula. – VG

Show comments