P15M sa ulo nina Ate Vi, Sen. Recto

After Banyo Queen and Doble Ekis (with Mark Anthony Fernandez), makakasama ni Rica Peralejo si Christopher de Leon sa isang pelikula.

"So paano nila sasabihing pinababayaan ako ng Viva? Wala na nga halos akong pahinga dahil hindi pa man tapos ang Banyo Queen, kailangan ko nang madaliin dahil magi-start na kami ng shooting ni Mark.

"Excited na akong makasama silang pareho (Mark and Christopher)." Nagkita na sila ni Mark.

And by October, magkakaroon ng US tour ang actress with her mom, her ate and Paula. Ayon sa mommy ni Rica, una silang pupunta sa San Francisco.

Anyway, okey pa rin hanggang ngayon sina Rica at Bernard Palanca. "Okey lang kami. Wala naman kaming problema kahit na may ilang nang-iintriga," she says sa presscon ng Banyo Queen.

‘Yung issue naman sa kanila ni Jolina Magdangal, ayaw na lang niyang pansinin dahil feeling niya kahit kailan, hindi naman sila nag-pin point kung sino ang detractors nila.

"Nagname-names na ba ako? Never. So wala silang puwedeng sabihin sa akin. Hindi ko kayang manira ng tao.

Besides, sa rami ng blessings ko ayoko nang magsalita ng kahit ano against anybody," she avers.
*****
Hindi na makakahabol sa Metro Manila Film Festival ang Dekada ‘70 ni Ms. Vilma Santos. Hindi raw kasi puwedeng mag-shooting si Lipa Mayor Vilma for security reason. Malamang na next year na raw ito ituloy gawin at ipalabas.

Lumabas na kasi last week ang isa sa mga sinasabing assassin na part ng 8th-man liquidation squad para kina Mayor Vi at Senator Ralph Recto.

Mas tight ngayon ang security ni Ate Vi at ng kanyang asawa dahil P15 M ang nakapatong na halaga sa ulo nilang mag-asawa base sa report ng isang broadsheet na galing mismo sa isang nag-confess na assassin sa Lipa City Police Office. Pero hindi ibinigay ni Supt. Antonio Atienza ang pangalan ng nasabing assassin na sinabing hired killer na nago-operate sa Quezon, Laguna at Batangas.

Ayon pa sa report, sinabi ng isa sa mga sinasabing assassin na Vilmanian siya at hindi niya kayang patayin ang kanyang idolo. Pero hindi niya raw alam kung sino ang head ng grupo at kung sino ang kausap niya.

Aside from Dekada ‘70, nag-cancel na rin daw ng ibang commitments ang star for all seasons at ayaw pa rin daw magbigay ng kahit anong statement silang mag-asawa.

Base sa police report, droga ang isa sa mga nakikita nilang dahilan ng death threat ni Ate Vi at ni Senator Recto.

Well, dapat pala talagang mag-ingat si Ate Vi. Imagine group of eight people at P15 M ang halaga ng pagpatay sa kanila. Nakakatakot.

Sayang lang dahil hindi niya agad ma-tatapos ang Dekada ‘70. Marami pa namang excited sa nasabing pelikula dahil matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood after the huge success of Anak.
*****
Confirmed na ang balita na lilipat sa morning slot ang Kris & Tell ni Kris Aquino. Ayon sa isang source ng Baby Talk, mismong si Kris ang nag-request sa management na ilipat sa morning slot ang kanyang show. Pinayagan naman daw ng management si Kris.
*****
Nagi-invite si Wilson Flores sa Padi’s MINDAVE (Mindanao and Congressional Ave.) sa two night concert ng Freestyle, tomorrow, Wednesday and on August 27, Monday bago tuluyang mag-US tour ang grupo. "Bacardi breezer drinks from Britain will be given all patrons, while exciting raffles will be held for free vacation packages to Lagos del Sol Resort in Caliraya Lake and Sand Valley Beach Resort in Zambales.

"Honored as MTV Best New Artist for year 2000 and with three best selling albums, ang Freestyle perhaps ang masasabing nation’s hottest pop and R & B band. Freestyle popularized songs such as "So Slow," "Bakit Iniwan Na," "Before I Let You Go," "Good Luv," "Till I Found You," "Bakit Ngayon Ka Lang," "This Time," "Missing You," "Para Sa Iyo" and others.

"Formed by some Ateneo de Davao students in 1996 and coming to Manila for a Viva-Neo recording contract in 1998, Freestyle is today composed of Jinky Vidal on vocals, Top Suzara on vocals and rhythm guitars, Gerald Banzon on drums, Carlo Tapia, on bass and Nikki Cabardo on keyboards. The Aug. 22 and 27 concerts will be unique and intimate, since the second floor entertainment for the three storey Padi’s MINDAVE has only 230 seats. For inquiries, call 4530080 or 4144930 to 34 or 9253117," Wilson informs sa isang e-mail.

Show comments