"Im happy for Aiza. Truth is, gustung-gusto ko rin yung song niya. Paborito ko rin siyang pakinggan at kantahin. Kaya walang problema sa akin kung natalo man ang kanta ko. At least, kung number one yung song niya, nasa number two naman yung sa akin," sabi pa ni Ms. Velasquez.
Siyempre pa, malaki ang katuwaan sa parte ni Aiza dahil hindi niya inakala na matatalbugan pa niya si Regine considering the fact na unang subok pa lang niya ito sa recording.
"Ayokong isiping natalo ko na si Regine. Yung makumpara lang sa kanya ay malaking bagay na. Sino ba ako kung ikukumpara sa kanya? Wala pa ako sa kuko niya!" sey naman ni Aiza.
Sa isang survey naman ng hottest young stars today, pumangalawa si Aiza kay KC Concepcion. Pinagbatayan dito ang popularidad na tinatamasa nila sa larangan ng entertainment kung saan parehong maituturing na phenomenal ang kanilang kasikatan. (Ulat ni Robert Perez)