Pinag-isipan kaya ng mabuti ito bago ipinasyang isakatuparan? Nag-imbestiga kaya ang mga kinauukulan ng tunay na katayuan ng industriya lalo na ng mga artista, bago nila ito inisip na isagawa? I doubt it.
Im sure, marami ang hindi nakakabatid ng tunay na kalagayan ng local showbiz industry. Na hindi naman totoong kumikita ang mga local movies natin. Lubha lamang napakayabang ng marami nating movie producer na napaka-kapal mag-pad ng kita ng kanilang mga pelikula kung kaya sa halip na aminin na nalugi sila o bumawi lamang ay nagsasabing milyon-milyon ang ipinasok na pera ng kanilang pelikula. Yung mga walang kamuwangan sa takbo ng industriya ay maniniwala siyempre lalot nakikita nilang lubhang maporma ang mga artista at isip mo ay mayroon milyong nakatabi pero, yun pala ay bahagi lamang ito ng kanilantg imahe bilang artista.
Ano ang sabi ni BIR? Na hindi raw ito karagdagang buwis kundi mga ina-advance lamang na withholding tax. Naman!! San nyo man anggulong tingnan, karagdagang buwis yan sa mga myembro ng isang patay nang industriya. Paano nyo ba aasahan na makabawi o magkaroon man lang ng panibagong buhay ang isang patay ng industriya kung hindi kayo nagbibigay ng pagkakataon para sila makabawi?
Isang young star ang nagpasyang gamitin na ang kaunti niyang naiipon at magbukas ng isang beauty parlor. Ito ay walang iba kundi si Katarina Perez ng Idol Ko Si Kap. Bagaman at napaka-bata pa, nakatutuwang malaman na pursigido si Katarina na mapagtagumpayan ang kanyang negosyo.
Isa pa rin na masigasig sa kanyang negosyo ay si Vina Morales, may tatlo nang branch ang Ystilo, isa pa ring beauty salon. Bukod sa pagpapatakbo ng salon na pinagsosos-yohan nila ng kanyang mga kapatid, nagbibigay pa ng franchise sina Vina sa mga interesado sa ganitong negosyo.
Very enterprising din sina Marvin Agustin, Rico Yan, Stefano Mori, Arnell Ignacio, Ariel Rivera, Aga Muhlach, Jolina Magdangal at marami pang iba.
Gusto kong tawagan ng pansin ni Madam President GMA. Siya lamang ang makapagpapasimula ng pagbabago, ng tunay na reconciliation. Simulan nyo sa inyong mga tao, at marami ang susunod.