^

PSN Showbiz

Sa halip na tulungan ng pamahalaan ang industriya, lalo pa itong pinahihirapan!

- Kuya Germs -
May karagdagang pataw na 10% ang withholding tax ng mga artista natin, singer at maging ang kanilang mga manager. Hindi pa man nagagawan ng paraan na maibaba ang amusement tax na nagpapahirap ng husto sa industriya, eto na naman at mayroon na namang bagong problema yung mga kumikita ng mahigit sa P180,000.

Pinag-isipan kaya ng mabuti ito bago ipinasyang isakatuparan? Nag-imbestiga kaya ang mga kinauukulan ng tunay na katayuan ng industriya lalo na ng mga artista, bago nila ito inisip na isagawa? I doubt it.

I’m sure, marami ang hindi nakakabatid ng tunay na kalagayan ng local showbiz industry. Na hindi naman totoong kumikita ang mga local movies natin. Lubha lamang napakayabang ng marami nating movie producer na napaka-kapal mag-pad ng kita ng kanilang mga pelikula kung kaya sa halip na aminin na nalugi sila o bumawi lamang ay nagsasabing milyon-milyon ang ipinasok na pera ng kanilang pelikula. Yung mga walang kamuwangan sa takbo ng industriya ay maniniwala siyempre lalo’t nakikita nilang lubhang maporma ang mga artista at isip mo ay mayroon milyong nakatabi pero, yun pala ay bahagi lamang ito ng kanilantg imahe bilang artista.

Ano ang sabi ni BIR? Na hindi raw ito karagdagang buwis kundi mga ina-advance lamang na withholding tax. Naman!! Sa’n n’yo man anggulong tingnan, karagdagang buwis yan sa mga myembro ng isang patay nang industriya. Paano n’yo ba aasahan na makabawi o magkaroon man lang ng panibagong buhay ang isang patay ng industriya kung hindi kayo nagbibigay ng pagkakataon para sila makabawi?
*****
Tuloy marami sa mga artista ang humahanap na ng sideline bilang paghahanda sa tuluy-tuloy na pagkalugmok ng industriya.

Isang young star ang nagpasyang gamitin na ang kaunti niyang naiipon at magbukas ng isang beauty parlor. Ito ay walang iba kundi si Katarina Perez ng Idol Ko Si Kap. Bagaman at napaka-bata pa, nakatutuwang malaman na pursigido si Katarina na mapagtagumpayan ang kanyang negosyo.

Isa pa rin na masigasig sa kanyang negosyo ay si Vina Morales, may tatlo nang branch ang Ystilo, isa pa ring beauty salon. Bukod sa pagpapatakbo ng salon na pinagsosos-yohan nila ng kanyang mga kapatid, nagbibigay pa ng franchise sina Vina sa mga interesado sa ganitong negosyo.

Very enterprising din sina Marvin Agustin, Rico Yan, Stefano Mori, Arnell Ignacio, Ariel Rivera, Aga Muhlach, Jolina Magdangal at marami pang iba.
*****
Hindi lamang naman ang local showbiz ang nagdaranas ng hirap sa kasalukuyan kundi ang buong bansa. At sa palagay ko, mahihirapan tayong umunlad hanggang hindi tayo nagkakaroon ng sincere effort na magkaroon ng reconciliation. Nung 1986 ko pa ito naririnig pero nasa year 2001 na tayo ay wala pa itong katuparan. Nag-aaway-away pa rin ang mga namumuno sa atin.

Gusto kong tawagan ng pansin ni Madam President GMA. Siya lamang ang makapagpapasimula ng pagbabago, ng tunay na reconciliation. Simulan n’yo sa inyong mga tao, at marami ang susunod.

AGA MUHLACH

ARIEL RIVERA

ARNELL IGNACIO

IDOL KO SI KAP

JOLINA MAGDANGAL

KATARINA PEREZ

MADAM PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with