Ang edukasyon ay nakapagbibigay sigla sa larong sabong para ito ay hindi maituring na isang sugal lamang.
Nung siya ay bata pa, gusto ni Halina na maging isang sundalo. Ang mga laro niya ay pagbibisikleta at basketball. Minsan, ay nakakita siya ng ilang mga sisiw sa loob ng kanilang bakuran. Tinangka niyang dalhin ang mga ito sa kanyang kuwarto pero nakita siya ng inahin at hinabol siya sa loob ng bakuran. Naging traumatic ang experience para kay Halina kaya magmula nun ay ayaw na niyang lumapit sa mga manok.
Bilang leading lady ng PCS, kinailangang labanan ni Halina ang kanyang takot dahil hindi lamang niya kailangang lumapit sa mga manok kundi hahawakan pa niya ang mga ito during pictorials and shootings.
Katatapos lamang niyang mag-shoot ng ilang PCS Break episodes ng Tukaan (IBC 13, Linggo, 12 n.t.-1:00 n.h.). Magiging co-host siya ng nasabing cockfight show for several weeks. Lalabas din siya sa 2002 PDI-TCC Poster-Calendar and Pocket Calendar.
Labingdalawang taon lamang si Sarah nang mag-join siya sa Star Circle. At kahit malayo sa kanyang pamilya na nasa Australia, walang pagsisisi na nadarama ito sa ginawa niyang pagpunta rito para subukan ang kanyang swerte sa local showbiz may dalawang taon na ang nakakaraan.
Bago sa Dos ay naging bahagi rin siya ng Best Frends ng GMA 7. Alam niya na ang pag-aartista is not all sugar and spice, maraming pagkakataon ay sasama rin ang kanyang loob at malalagay sa gulo ng showbiz. Isang dahilan para hindi niya pabayaan ang kanyang pag-aaral bilang fourth year student sa Angelicum College.
"Hindi naman po ako nagmamadali. I take one step at a time. Basta ang importante sa akin, I am giving my best and enjoying the work in the process.
"Okay lang yung gulo, its part of the job. Pero, bago pa ako at bata pa para magkaroon ng intriga agad," sabi ng ngayon ay image model din ng Props, isang clothing line na gumagawa ng mga basic pero unique na mga kasuotan.