Si Antoinette pa rin para kay Dingdong!

Kung di n’yo pa alam, nasa bansa si Antoinette Taus, siguro para magbakasyon na rin pero, mainly to disprove rumors na buntis siya. Na kaya pumunta siya ng Amerika ay para itago ito sa mata ng tao. Gaya nang ginawa ni Carmina Villaroel, Angelu de Leon at Priscilla Almeda.

Masyado nang nasanay ang tao sa ganitong gimik ng mga artistang babae na nabubuntis kung kaya nang madaliang umalis ng bansa si Toni (Antoinette), ito rin ang naging kongklusyon ng marami. Now, she’s frequently seen on TV wearing tight-fitting pants and hanging blouses na nagpapakita ng kanyang tiyan at pusod.

Pero kung nung bago umalis si Antoinette ay non-commital sila ni Dingdong Dantes sa tunay nilang relasyon, ngayon ay parang pinababayaan na nila ang tao na paniwalaan kung ano man ang gusto nila pagdating sa kanilang dalawa. At least sa parte ni Dingdong ganito ang nangyayari. Katunayan, sa isang katatapos na presscon na kung saan ay ipinakilala siya bilang pinaka-bagong image model ng Crimson ay sinabi ni Dingdong na lumalabas sila ng balikbayang aktres. Pinaka-huling date nila yung concert ng Freestyle na kung saan ay natsismis pa si Dingdong na may kasamang ibang babae.

"Kami ni Toni ang magka-date, kahit tanungin n’yo pa siya. Hindi ko naman alam kung bakit kung kani-kanino ako inili-link ng tao gayong alam n’yo naman kung sino ang babae para sa akin at loyal ako sa kanya," pag-amin ni Dingdong.

Pinalitan ni Dingdong bilang image model ng Crimson si Dino Guevarra. Naghahanap pa ng bagong babae who will replace Camille Pratts. Bilang bahagi ng kanyang trabaho, palaging makikita si Dingdong na nakasuot ng Crimson bagaman at walang disenyo na ginawa na exclusive para sa kanya. Lahat ng mga isusuot niya ay mabibili rin sa mga outlets ng Crimson gaya ng Isetann, SM, Robinson’s at Ever.
*****
Inilabas na ng Warner Music ang latest album ng Side A, isang 17-track compilation ng mga multi-platinum hits ng grupo na nagtatampok sa awiting "If Only" bilang carrier single.

Sa kabila ng pagsulpot ng napakaraming banda at grupo nanatili ang grupo sa mga puso ng mga Pilipinong tunay na nagmamahal ng musika. "Ang Side A: The Platinum Collection" ay nagtatampok ng kanilang mga hits gaya ng "Forevermore", "The Girl’s So Right For Me", "So Many Questions" at ang rendition nila ng mga awitin ng ibang artists, tulad ng "Anak" ni Freddie Aguilar, "Tell Me" ni Joey Albert, "Let The Rain Remain" ni Basil Valdez, "Umagang Kay Ganda" ni Tillie Moreno at "Foolish Heart" ng banyagang si Steve Perry.

Talagang nag-iisa lamang ang Side A na hindi pa bumaba ng kanilang pedestal sa paglipas ng maraming mga taon. Kung ito ang pagbabatayan, matagal pa bago marating ng grupo ang dulo ng kanilang landas.

Show comments