^

PSN Showbiz

Rico-Claudine magkasama sa bakasyon sa Tate

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dahil sa sobrang pagod sa mga showbiz commitment ay naaapektuhan din ang kalusugan ni Claudine Barretto. Tinatapos lang niya ang syuting ng Got To Believe in Magic at magbabakasyon muna siya ng isang buwan sa Amerika either September or October. Pinayagan naman ang magandang aktres para makapagpahinga sa ibang bansa. Baka nga makasama niya ang nobyong si Rico Yan na magbabakasyon din sa Amerika. Nangangahulugan lang na stable pa rin ang kanilang relasyon at katunayan nga noong nakaraang birthday ng aktres ay niregaluhan siya ni Rico ng isang malaking TV set para sa kanyang kuwarto. Hindi na nagawa ng aktres na magkaroon ng malaking selebrasyon dahil natapat ito sa kanyang syuting kaya doon na lang siya naghanda sa set para sa mga kasamahang artista at production staff.

Hindi mahilig sa bonggang birthday celebration si Claudine kaya nga kilala siya sa pagiging praktikal at masinop sa pera. Ito rin ang magandang katangian ng aktres na ikinagusto ni Rico.

Matagal pa bago lumagay sa tahimik ang dalawa dahil gusto muna nilang unahin ang kanilang kinabukasan. Tutal bata pa naman silang pareho at gusto muna nilang mag-ipon para maging matatag ang kanilang pagsasama balang araw.
Snooky, kontrabida sa balik-pelikula
Sa mga kasabayang artista ni Snooky Serna, siya lang ang naging matamlay ang career. Ratsada pa rin sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano hindi lang sa telebisyon kundi gayundin sa pelikula.

May isang TV program sa Trese si Snooky hanggang inoperan ng movie titled Marital Rape ng Glo Herbal Productions. Enjoy ngayon ang aktres sa kanyang pagbabalik-pelikula kung saan ginagampanan niya ang papel bilang kapatid ni Raymond Bagatsing na medyo kontrabida ang dating.

Aware naman si Snooky na iba na ang trend ngayon kaya hindi na siya umaasa na mabibigyan pa ng role na bida. Hanggang pang suporta na lang siya gaya ng Marital Rape na tinatampukan ni Patricia Javier at Raymond. Noon pa sana gustong gumawa ng aktres ng pelikula dahil nami-miss na niya ang muling pagharap sa kamera kaya lang wala namang magandang offer na dumarating.

Pero kung ikukumpara naman sa patuloy na tagumpay na tinatamasa nina Dina at Maricel bilang artista ay higit namang masaya ang buhay ni Snooky dahil buo ang kanyang pamilya sa piling ni Ricardo Cepeda at mga anak.
‘Teenage Seduction,’ napapanahong pelikula
Tiyak na maraming kabataang babae ang makaka-relate sa pelikulang Teenage Seduction dahil nangyayari ito sa tunay na buhay kung saan naipagkakaloob ng isang teener ang kanyang pagka-babae just for fun. Karamihan sa kanila ay natutukso sa kakaibang ligayang dulot ng pakikipag-sex at kahit paano’y nakakatulong ito sa pagiging ganap nilang dalaga.

Ngayon ay normal nang makikita sa mga sinehan ang magkaka-partner na high school o freshmen students na nanonood ng mga sexy movies sa last full show at lalabas sila ng mga pasado alas-onse. Saan sila tutungo pagkatapos na magpainit sa loob ng sinehan? Dito nagsisimula ang pagkariwara ng isang teenager na nakakahawig sa Teenage Seduction kung saan umiikot ang kasaysayan sa isang dalagita na sangkot sa kontrobersiyal na campus sex scandal sa US.

May magandang mensahe ang Teenage Seduction na kapupulutan ng aral. Malapit nang ipalabas sa inyong mga paboritong sinehan mula sa Solar Films.
Ivy, Real Trouper
Naging guest kamakailan sa isang golden wedding anniversary ang magaling na singer na si Ivy Violan. Naghanda ito ng dalawang awitin para kay Atty. Isauro at Angela Garcia. May naunang umawit sa kanya na ang gamit ay tape pero nagluko ang sound system.

Nang tawagin na si Ivy ay nag-live na lang siya sa saliw ng banda kung saan ilang sandali ay kinausap niya ang band leader na may edad na rin (si Mang Iggy) at standard song na lang ang kanyang inawit gaya ng "Ikaw" at "Misty." Sabi nga ng mga bisita ay real trouper si Ivy at napakaganda ng kanyang rendition sa dalawang awitin.

Matagal na rin pala ang singer sa music industry at noong 1981 ay kasama siya sa isang banda hanggang maging solo artists. Naging matagumpay siyang singer kung saan kasabay niya sina Janet Basco at Verni Varga.

May bagong album na ipinu-promote si Ivy at ito’y mga sikat na theme song mula sa mga English movies.

AMERIKA

ANGELA GARCIA

ISANG

LANG

MARITAL RAPE

SIYA

SNOOKY

TEENAGE SEDUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with