No bold roles for Joanna

Malapit nang ilunsad ang promising actress na si Joanna Gonzales sa stardom. Bida na siya sa pelikula! Hindi pa man siya nagtatagal sa showbiz ay nabigyan agad siya ng break para maging bida sa Dugo sa Buhangin kasama si Joko Diaz para sa Manhattan Asia Films Production.

Sa edad na 16, bakas na ang kaseksihan at ganda niya. Ngayon pa lamang ay inuulan na siya ng offer sa pelikula pero, hindi niya matanggap dahil karamihan ay bold. Hindi naman siya nagmamadali. Kahit paunti- unti, basta huwag lang bold. Hindi siya payag at lalong hindi siya papayagan ng kanyang mga magulang na itinuturing siyang isang mamahaling hiyas sapagkat only child siya.

Ang puntirya talaga ni Joanna ay mga commercials. Marami na siyang offers. One of these days ay ilulunsad siya sa komersyal ng isang pangunahing produkto . (Ulat ni Lanie M. Sapitanan)

Show comments