Si KC ang gustong b-day gift ni Cogie

Wala naman palang dapat ikatakot si Oyo Boy Sotto kay Cogie Domingo pagdating sa pagmamahal ni Anne Curtis. Sina Anne na mismo at Cogie ang nagsabi na talagang magkaibigan lang sila. At kung babasahin nating mabuti ang nasa kabila ng sinasabi ni Anne, matimbang na sa puso niya ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kailangan lamang niya na mapatunayan na matiyaga si Oyo Boy at mahihintay siya nito.

Napaka-open naman ni Cogie sa pagsasabi na ang pinaka-malaking crush niya ngayon ay ang dalaga naman ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion. In fact, kung may gusto siyang gift for his birthday tomorrow na magkakaroon nga pala ng isang engrandeng selebrasyon sa Dish Power Plant, Rockwell Center, ito ay walang iba kundi Si KC. Sinabi niya ito dun mismo sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng Regal Films para sa pelikulang Cool Dudes at para rin sa ini-endorso niyang Penshoppe. Magsisimula nang pagpapalabas ang nasabing pelikula sa araw mismo ng birthday niya.

"Gusto kong ma-meet ng personal si KC at makilala ng lubos. Gusto kong malaman kung magkatugma ang ugali namin," sabi ni Cogie who is also hoping to have an Expedition for his birthday.

Samantala, may inihahandang movie ang Regal para kay Cogie at Anne. At bagaman at nagkasakitan na sina Cogie at Oyo Boy, hindi ito bahagi ng promo para sa nasabing team-up ng dalawa.

"Wala na yun sa akin. Nag-sorry na sa akin si Oyo Boy at babayaran niya ang cost para sa pagpapagawa ng kotse ko.

"Wala naman talaga kaming away. Hindi lang siguro kami nagkaintindihan," paliwanag ng young actor.
*****
Sinabi ni Kabayan, now Senator Noli de Castro, na excited na siyang makapagsimula ng kanyang mga gawain bilang isang senador pero lubhang napakarami pa ng ibang agenda ng Senado kung kaya hindi pa sila lubusang nakapagsisimula.

Kabilang sa mga marami niyang ipapasang bills ay ang may kinalaman sa edukasyon. "Ito ang prioridad ko," anang bagong Senador na bagaman at nahuli na ay nagbigay ng blowout sa entertainment press nung Sabado ng tanghali. He was joined by his wife Arlene de Castro and daughter, Katherine de Castro, na nagpi-pinch hit sa kanya, kasama ni Julius Babao sa programang Magandang Gabi Bayan. "Dahilan dito ay nakaipon siya ng sarili niyang pera," ani Kabayan tungkol sa kanyang magandang dalaga.

Tinanong ng press si Kabayan kung okey ba sa kanya yung komite na ibinigay sa kanya sa Senado. Feeling kasi ng marami ay dapat ay napunta sa kanya ang isang magandang komite sapagkat siya ang nanguna sa mga nahalal na senador nung nakaraang eleksyon.

"Kahit na ano ang ibigay nila okey sa akin. Yung hahawakan kong komite ay magsisilbing isang malaking hamon sa akin kahit sa kasalukuyang lagay ng ating bayan, masasabi ko na medyo may kahirapan itong hawakan," aniya.

All praise siya sa mga kapwa niya senador na marami ang nagbibigay sa kanya ng tulong knowing na isa lamang siyang baguhan at mangangapa pa ng kanyang gawain.

"Hindi ko nga inaasahan na mababait pala sila at supportive. Marami ang nagtuturo sa akin ng mga dapat kong gawin. Hindi, hindi ako mahihirapan sa aking trabaho," pagmamalaki ng magaling pa ring broadcaster.
*****
Keep On Dancing should really take time para makahanap ng makakapalit ni Charlene Gonzales, once mag-maternity leave ito sa show. Malaki talaga ang nababawas sa show kapag hindi nagsasayaw si Charlene. Mukhang hindi makaya ng iba na matakpan ang kakulangan niya sa show.

Wala namang ganitong problema ang Eezy Dancing kayang-kaya naman nina Ralion Alonso at Nina Ricci Alagao ang kanilang trabaho, in fact parang kalabisan na o hindi bagay sa show si Mo Twister. Parang ang problema ng show ay ang madalas na pag-uulit o replay ng mga lumang palabas. Excellent din ang choreography sa Eezy Dancing. At maganda yung portions nina Edna Ledesma which is instructional at Becky Garcia na pagpapakita ng mga ginaganap na dancing competitions para sa mga international competitions. Nakikita tuloy natin kung saan nakatayo ang mga Pinoy pagdating sa mga international dance competitions. Hindi na sila mahuhuli sa kanilang mga foreign counterparts, pagdating sa dancing at maging sa pagdadamit.

Show comments