Hindi rin naman masasabing swerte lamang siyang singer sapagkat bukod sa pagkakaroon ng isang magandang boses, tiniyak niya na hindi dito magsisimula at magtatapos ang kanyang pagiging isang musical arist. Marunong siyang tumugtog ng gitara at ang galing niya rito ay mahirap pantayan. She has Eat Bulaga to thank dahil naipaabot nito sa napakaraming viewers ang kanyang pambihirang talino.
Bago ang pagkanta, nag-excel din siya sa pagbaril. She has several awards na magpapatunay ng kanyang pambihirang galing sa paghawak ng baril.
Ano pa bang talino meron si Aiza? Siguro kapag lumamlam na naman ang kanyang musical star ay mayron muling ibang talinong mangingibabaw.
Samantala, bilang pagkilala sa kanyang kalakasan bilang isang recording star at sa patuloy na pagbenta ng kanyang "Pagdating ng Panahon" album, ini-release ng Vicor Music Corp. ang kanyang second single na "Sorry" via a simultaneous radio launch sa mga himpilang Love Radio 90.7, Mellow Touch 94.7, Pinoy Radio DM 95.5, Yes! FM 101.1, WRRT 101.9 for Life at 102.7 Star FM. Ang "Sorry" ay isa pang cut sa multi-platinum album ni Aiza.
"Nagulat ako nang kunin nila ako. Sabi ko, bago ako sina Gary Valenciano at Regine Velasquez muna. Malaki ang pressure dahil 17, 000 ang kapasidad ng Araneta. Iniisip ko na lang na hindi nila ako kukunin kung hindi sila naniniwala na makakaya ko," mapagkumbabang sabi ni Lani.
Makakasama ni Lani sa show sina Joey G ng Side A. si Malik at si Martin Nievera.
Kakantahin ni Lani ang ilan sa mga kinanta niya sa Cebu concert as well as some new ones specially tailor-fit for the Manila audience gaya ng mga awitin ni Whitney Houston.
Brainchild ni Donita ang pagkakaroon niya ng website na ilulunsad ng Globe, isa sa mga produkto na ini-endorso niya. Katulong din ang Lux Super Rich Shampoo, Betadine Feminine Wash at Wendys.
Suportado ang launching ng mga colleagues ni Donita from showbiz gaya nina Janno Gibbs, Michael Flores at Gary V.
Nangunguna na ang Aliws Best New Artist na si Karylle na bukod sa paglabas sa SOP ay abala sa mall tour bilang promo ng kanyang "Time To Shine" album mula sa MCA Universal.
Abala rin ang bandang Dye Vest na bukod sa kanilang regular gigs sa Strumms Makati (Martes), Strumms El Pueblo (Miyerkules), Dish sa Rockwell (Biyernes) at sa Conservatory ng Manila Pen (Sabado) ay kasali pa rin sa Crossover Davao (Agosto 18).
Ang iba pang Primeline artists ay sina Gail Blanco na mapapanood din sa The Conservatory (Miyerkules), Tootsie Guevarra na may show sa Chorus Line (Agosto 31) at si Lana Asanin na nasa Eat Bulaga (Huwebes) at Idol Ko Si Kap kasama si Bong Revilla.
Samantala, nagiging madalas ang pagkakaroon ng concert ni Yam. Halos buwan-buwan yata ay may konsyerto siya. At magaling siyang mag-draw ng crowd, panay SRO ang mga shows niya. Kailangan na lamang ay pangatawanan niya ang pagpapapayat para hindi lamang siya magandang pakinggan kundi magandang panoorin pa rin. She owes it to herself and her audience.