Sino'ng umi-intriga kay Carlos?
August 12, 2001 | 12:00am
Sa bawat pagtatapos ng kabanata, may bagong pahina ang bawat aspeto ng buhay - maging ito man ay nababasa sa libro o napapanood sa telebisyon.
Ganito ang nangyari sa pamamaalam ng D! Day ni Dina Bonnevie sa ere.
Ganyan lang talaga ang buhay sa telebisyon. May nawawala at may dumarating.
Kung nawala man si Dina sa D! Day, mapapanood naman siya sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Ipi-feature rin siya sa Larawan ng GMA.
Hindi naman siya nawawala sa ating paningin. Kumbaga kakaibang role lang gagampanan niya sa TV.
At sa mga nagtatanong kung ano ang papalit sa time slot na iniwan ni Ms. D, walang iba kundi ang show na pagsasamahan ng magkapatid na Janice at Gellie de Belen na may tentative title na Sis, na magsisimulang mapanood sa August 20.
Hindi pa rin nawawala sa iba nating kababayan ang crab mentality.
Gaya nang panlalait nila kay Carlos Agassi. Halata namang may nagmamaniobra sa mga negatibong balita tungkol sa actor.
Gusto nilang siraan si Carlos para ipasok ang mga alaga nila. Huwag namang ganyan.
Hahatakin natin pababa ang ibang tao para lang umangat ang iba, tama ba iyon?
Bakit hindi nila hintayin ang pagkakataong umangat ang alaga nila?
Huwag naman nating gamitin ang ibang tao sa kapakanan ng iilan.
Nagri-review na ang Film Academy para sa susunod na awarding ceremony.
Mapapaaga ang pagbibigay ng award ng FAP - ito ang susunod sa Star Award for Movies. Ang FAP ang karaniwang huli sa nagbibigay ng award.
Ngayon pa lang ay abala na ang mga taong naatasan na magsuri ng mga pelikulang karapat-dapat parangalan.
Pinag-iisipan din nilang mabuti kung paano mapapasigla ang nasabing awards night.
Last year, wala halos artistang dumating pati mga nanalo maliban kay Gloria Romero.
Ngayon pa lang ay pinaalalahanan ko na ang mga kapwa natin artista na suportahan ang FAP. Pahalagahan natin ang mga imbitasyon. Magkaisa tayo sa kapakanan ng industriya.
Binabati ko ang magkapatid na Vina Morales at Shiela Moreno (manugang ko) sa tagumpay ng kanilang bagong negosyo - Ystilo Beauty Salon.
Nagbukas sila ng bagong branch na pang-apat sa Binondo. Nagbibigay din sila ng franchise sa mga interesado.
May plano pa silang paramihin ito sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga malls.
Kaya kung nais nyong gumanda, bisitahin nyo ang Ystilo na mayron sa Pasig, Fairview, Morato at Binondo.
Napakasarap ang pakiramdam kapag nakakatulong lalo sa mga kabataan - upang malayo sa anumang masamang bisyo.
Marami na akong natulungang dance group na pagkatapos nilang lumabas sa ating programang Master Showman ay inuulan agad ng offer to go abroad. Ang latest nga ay ang grupo ng After Shock na aalis sa buwan ng November.
Nagpasalamat naman sa akin ang Kids at Work na kararating lang ng bansa. Anim na buwan din silang nagsayaw doon at malaki-laki rin ang kinita nila.
Ganito ang nangyari sa pamamaalam ng D! Day ni Dina Bonnevie sa ere.
Ganyan lang talaga ang buhay sa telebisyon. May nawawala at may dumarating.
Kung nawala man si Dina sa D! Day, mapapanood naman siya sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Ipi-feature rin siya sa Larawan ng GMA.
Hindi naman siya nawawala sa ating paningin. Kumbaga kakaibang role lang gagampanan niya sa TV.
At sa mga nagtatanong kung ano ang papalit sa time slot na iniwan ni Ms. D, walang iba kundi ang show na pagsasamahan ng magkapatid na Janice at Gellie de Belen na may tentative title na Sis, na magsisimulang mapanood sa August 20.
Gaya nang panlalait nila kay Carlos Agassi. Halata namang may nagmamaniobra sa mga negatibong balita tungkol sa actor.
Gusto nilang siraan si Carlos para ipasok ang mga alaga nila. Huwag namang ganyan.
Hahatakin natin pababa ang ibang tao para lang umangat ang iba, tama ba iyon?
Bakit hindi nila hintayin ang pagkakataong umangat ang alaga nila?
Huwag naman nating gamitin ang ibang tao sa kapakanan ng iilan.
Mapapaaga ang pagbibigay ng award ng FAP - ito ang susunod sa Star Award for Movies. Ang FAP ang karaniwang huli sa nagbibigay ng award.
Ngayon pa lang ay abala na ang mga taong naatasan na magsuri ng mga pelikulang karapat-dapat parangalan.
Pinag-iisipan din nilang mabuti kung paano mapapasigla ang nasabing awards night.
Last year, wala halos artistang dumating pati mga nanalo maliban kay Gloria Romero.
Ngayon pa lang ay pinaalalahanan ko na ang mga kapwa natin artista na suportahan ang FAP. Pahalagahan natin ang mga imbitasyon. Magkaisa tayo sa kapakanan ng industriya.
Nagbukas sila ng bagong branch na pang-apat sa Binondo. Nagbibigay din sila ng franchise sa mga interesado.
May plano pa silang paramihin ito sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga malls.
Kaya kung nais nyong gumanda, bisitahin nyo ang Ystilo na mayron sa Pasig, Fairview, Morato at Binondo.
Marami na akong natulungang dance group na pagkatapos nilang lumabas sa ating programang Master Showman ay inuulan agad ng offer to go abroad. Ang latest nga ay ang grupo ng After Shock na aalis sa buwan ng November.
Nagpasalamat naman sa akin ang Kids at Work na kararating lang ng bansa. Anim na buwan din silang nagsayaw doon at malaki-laki rin ang kinita nila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am