Tuloy pa rin ang relasyon ng 2 singer
August 12, 2001 | 12:00am
Akala ng marami ay natapos na ang affair ng dalawang magagaling na singer na minsan nang napaugnay sa isat isa. May pamilya na ang lalaki samantalang may anak sa pagkadalaga si babae.
Muli ay nagkahinala ang marami nang makita sila sa isang concert hall kamakailan lamang. Bagaman at hindi sila nakitang magkasama, nagtaka ang marami kung ano ang ginagawa dun ni babae. Hindi niya kilala ang may pa-concert. Saka lamang parang luminaw ang lahat sa maraming nagtatanong nang makita nila na kasali sa concert ang lalaking singer na dating nali-link kay female singer. O baka naman, magkasama talaga sila. Pinalabas lang nila na hindi bagaman at obvious na ang male singer ang pinanonood ni babae at pinuntahan sa bar.
Nagkakwentuhan kami ni John Regala during the theater tour ng pelikulang Dudurugin Ko Pati Buto Mo. Malungkot nga siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nali-lift ang ban sa kanya ng PAMI (Professional Artists Managers Inc.) kaya limitado ang mga kompanyang kumukuha sa kanya. Mabuti na lang at mayroon kumukuha sa kanya. Mapalad pa rin siya dahil may nagtitiwala sa kanyang kakayahan kaya siya kinuha ng True Colors at Solar Films para sa pelikulang Parehas ang Laban na pinagbibidahan ni Ian Veneracion.
Pangarap ni John na makapagdirek sa pelikula at may karanasan na siya dahil siya ang sumulat at nagdirek ng Askal na pinuri rin ng mga kritiko noon. "Sanay mabigyan ako ng break na makasulat ng script at makapag-direk kahit sa telebisyon. May background na ako sa pagdidirek at kumita naman ang Askal. Kapag may pelikula akong ginagawa ay nagbibigay din ako ng mga suggestions sa aking direktor," anang aktor.
Kaliwat-kanan ang intrigang ipinupukol ngayon kay John at nabibigyan naman ito ng linaw kaya lang ang hindi niya matatanggap na intriga ay yong isinasali pa ang kanyang ina. "Hindi bale nang ako ang siraan nila huwag lang nilang isasama ang aking pamilya," pakiusap nito.
Si John ang pangunahing kontrabida ni Ian sa bago niyang movie na Parehas ang Laban under Solar Films.
Isa sa mga kabataang aktor na inaasahang sisikat nang husto ay si Danilo Barrios na nabigyan ng malaking break ng Regal Entertainment sa pelikulang Cool Dudes 24/7.
Gagampanan nito ang papel na streetmart dude na tamang-tama sa kanyang personalidad sa totoong buhay dahil siya yong tipong masayahin, okey sa kanya ang mga biglaang gimik bastat hindi nakakasakit sa ibang tao.
Madali siyang pakibagayan dahil gusto niyang magkaroon ng maraming kaibigan.
"Game ako at laking kalye. Walang masamang tinapay sa akin," aniya.
Noon ay paekstra-ekstra lang si Jemalene Estrada sa mga sexy movies hanggang mabigyan ng magandang break ng GMA 7 bilang Master Showman teeners. Nagkasunud-sunod ang kanyang TV appearances gaya ng Kasangga, Kakabakaba, Love Stories at Maynila. Ngayon ay kasama ang young actress sa Cool Dudes kung saan sinabi nito na malaki ang nagawa sa kanya ng pelikulang ito para magkaroon ng self-confidence. "Dun ko nadiskubre na mas nakikilala mo pala ang sarili mo pag binigyan mo ng chance ng magkaroon ng tiwala dito. Cool din pala yung magkaroon ka ng maraming kaibigan na siyang nakakapagsabing nagbabago ka sa pagdaan ng panahon."
Bukod sa pelikula ay abala rin ang bagets na taga-Marikina sa paglabas sa mga komersyal gaya ng PLDT at Hap Chan Foodhouse at pagiging image model ng Next Jeans.
Kaya lang, may isa akong maipapayo sa magandang teener hindi niya dapat tipirin ang pag-ngiti. Mas lalo siyang gaganda kung parati siyang nakangiti kahit sabihing pagod sa trabaho.
Muli ay nagkahinala ang marami nang makita sila sa isang concert hall kamakailan lamang. Bagaman at hindi sila nakitang magkasama, nagtaka ang marami kung ano ang ginagawa dun ni babae. Hindi niya kilala ang may pa-concert. Saka lamang parang luminaw ang lahat sa maraming nagtatanong nang makita nila na kasali sa concert ang lalaking singer na dating nali-link kay female singer. O baka naman, magkasama talaga sila. Pinalabas lang nila na hindi bagaman at obvious na ang male singer ang pinanonood ni babae at pinuntahan sa bar.
Pangarap ni John na makapagdirek sa pelikula at may karanasan na siya dahil siya ang sumulat at nagdirek ng Askal na pinuri rin ng mga kritiko noon. "Sanay mabigyan ako ng break na makasulat ng script at makapag-direk kahit sa telebisyon. May background na ako sa pagdidirek at kumita naman ang Askal. Kapag may pelikula akong ginagawa ay nagbibigay din ako ng mga suggestions sa aking direktor," anang aktor.
Kaliwat-kanan ang intrigang ipinupukol ngayon kay John at nabibigyan naman ito ng linaw kaya lang ang hindi niya matatanggap na intriga ay yong isinasali pa ang kanyang ina. "Hindi bale nang ako ang siraan nila huwag lang nilang isasama ang aking pamilya," pakiusap nito.
Si John ang pangunahing kontrabida ni Ian sa bago niyang movie na Parehas ang Laban under Solar Films.
Gagampanan nito ang papel na streetmart dude na tamang-tama sa kanyang personalidad sa totoong buhay dahil siya yong tipong masayahin, okey sa kanya ang mga biglaang gimik bastat hindi nakakasakit sa ibang tao.
Madali siyang pakibagayan dahil gusto niyang magkaroon ng maraming kaibigan.
"Game ako at laking kalye. Walang masamang tinapay sa akin," aniya.
Bukod sa pelikula ay abala rin ang bagets na taga-Marikina sa paglabas sa mga komersyal gaya ng PLDT at Hap Chan Foodhouse at pagiging image model ng Next Jeans.
Kaya lang, may isa akong maipapayo sa magandang teener hindi niya dapat tipirin ang pag-ngiti. Mas lalo siyang gaganda kung parati siyang nakangiti kahit sabihing pagod sa trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended