Aiza artist par excellance

Swerte ba ang pagkakabalik ng popularidad ni Aiza Seguerra ? Siguro pero, hindi lahat ay maipagpapasalamat niya sa swerte. Malaking kredito rin ang kanyang napakaraming talento. Tulad nang magdalaga siya at maging alanganin ang edad sa mga tinatanggap na role, madali siyang nakapag-switch from acting on TV and screen sa pagkanta na siyang nagbibigay sa kanya ng ibayong popularidad ngayon. Pero, kahit na namamayani siya ngayon bilang isang singer, hindi mapasusubalian na bago ito, isa siyang magaling na aktres.

Hindi rin naman masasabing swerte lamang siyang singer sapagkat bukod sa pagkakaroon ng isang magandang boses, tiniyak niya na hindi dito magsisimula at magtatapos ang kanyang pagiging isang musical arist. Marunong siyang tumugtog ng gitara at ang galing niya rito ay mahirap pantayan. She has Eat Bulaga to thank dahil naipaabot nito sa napakaraming viewers ang kanyang pambihirang talino.

Bago ang pagkanta, nag-excel din siya sa pagbaril. She has several awards na magpapatunay ng kanyang pambihirang galing sa paghawak ng baril.

Ano pa bang talino meron si Aiza? Siguro kapag lumamlam na naman ang kanyang musical star ay mayro’n muling ibang talinong mangingibabaw.

Samantala, bilang pagkilala sa kanyang kalakasan bilang isang recording star at sa patuloy na pagbenta ng kanyang "Pagdating ng Panahon" album, ini-release ng Vicor Music Corp. ang kanyang second single na "Sorry" via a simultaneous radio launch sa mga himpilang Love Radio 90.7, Mellow Touch 94.7, Pinoy Radio DM 95.5, Yes! FM 101.1, WRRT 101.9 for Life at 102.7 Star FM. Ang "Sorry" ay isa pang cut sa multi-platinum album ni Aiza.
*****
Kung si Regine Velasquez ay nagkaroon ng takot na baka hindi niya mapuno ang Araneta Coliseum, nakapagtataka ba kung magkaroon din ng ganitong damdamin si Lani Misalucha na scheduled na magdaos ng kanyang first major solo concert sa Setyembre 8 billed as Lani Misalucha:The Crossover Live Tour? Baka mapag-iwanan siya ng milya-milya ng unang dalawang singer na pinili para sa Crossover Live Tour, sina Martin Nievera at Jaya.

"Nagulat ako nang kunin nila ako. Sabi ko, bago ako sina Gary Valenciano at Regine Velasquez muna. Malaki ang pressure dahil 17, 000 ang kapasidad ng Araneta. Iniisip ko na lang na hindi nila ako kukunin kung hindi sila naniniwala na makakaya ko," mapagkumbabang sabi ni Lani.

Makakasama ni Lani sa show sina Joey G ng Side A. si Malik at si Martin Nievera.

Kakantahin ni Lani ang ilan sa mga kinanta niya sa Cebu concert as well as some new ones specially tailor-fit for the Manila audience gaya ng mga awitin ni Whitney Houston.
*****
Ilulunsad naman ngayon, sa ika-4 ng hapon sa Glorietta Activity Center ang website ni Donita Rose na www.donitarose. com, Dinisenyo ito ng CD Asia’s annex na siya ring nagdisenyo ng website ni Gary Valenciano. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga fans ni Donita na maging up to date sa mga activities ng MTV’s most popular VJ.

Brainchild ni Donita ang pagkakaroon niya ng website na ilulunsad ng Globe, isa sa mga produkto na ini-endorso niya. Katulong din ang Lux Super Rich Shampoo, Betadine Feminine Wash at Wendy’s.

Suportado ang launching ng mga colleagues ni Donita from showbiz gaya nina Janno Gibbs, Michael Flores at Gary V.
*****
Samantala, magiging abala sa mga susunod na dalawang buwan ang mga artist ng Primeline.

Nangunguna na ang Aliw’s Best New Artist na si Karylle na bukod sa paglabas sa SOP ay abala sa mall tour bilang promo ng kanyang "Time To Shine" album mula sa MCA Universal.

Abala rin ang bandang Dye Vest na bukod sa kanilang regular gigs sa Strumms Makati (Martes), Strumms El Pueblo (Miyerkules), Dish sa Rockwell (Biyernes) at sa Conservatory ng Manila Pen (Sabado) ay kasali pa rin sa Crossover Davao (Agosto 18).

Ang iba pang Primeline artists ay sina Gail Blanco na mapapanood din sa The Conservatory (Miyerkules), Tootsie Guevarra na may show sa Chorus Line (Agosto 31) at si Lana Asanin na nasa Eat Bulaga (Huwebes) at Idol Ko Si Kap kasama si Bong Revilla.
*****
Pagdating talaga sa kantahan, hindi mababasta-basta si Rannie Raymundo. Hindi nagsisi ang producer ng concert ni Yam Ledesma na ginanap sa Southern Bulls nung Agosto 9 sapagkat, muli, the "Total Music Man" brought the house down not with his sparkling performance as a singer but also as a musician. Marami sa mga nakapanood sa kanya for the first time ay nasorpresa na ganun daw pala siya kagaling. Tuloy nag-isip sila na pabalikin ito dun para sa isa pang mas mahabang pagtatanghal.

Samantala, nagiging madalas ang pagkakaroon ng concert ni Yam. Halos buwan-buwan yata ay may konsyerto siya. At magaling siyang mag-draw ng crowd, panay SRO ang mga shows niya. Kailangan na lamang ay pangatawanan niya ang pagpapapayat para hindi lamang siya magandang pakinggan kundi magandang panoorin pa rin. She owes it to herself and her audience.

Show comments