Habulin ng bakla

Aminado ang Star Awards Best Actor na si Carlos Morales na may mayamang bakla na super obsessed sa kanya. Hindi nga lang daw basta mayaman kundi kilala pa sa lipunan.

And truth is, kung anu-ano raw ang ino-offer sa kanya kapalit ang isang gabi.

"Bibigyan daw ako ng house and lot pati sasakyan. Magsabi lang daw ako kung kailan," ang nangingising pag-amin pa ni Mr. Morales.

"Pero hindi ko kaya. Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero may trabaho pa naman ako at nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw. Okey na ’yon.

Ayaw namang i-reveal ni Carlos kung sino ang nagsabing rich and famous gay, kung isa itong pulitiko o kilalang businessman. Gusto daw niyang protektahan ang gay na gano’n na lang ka-obsessess sa kanya.

Samantala, iritado naman si Carlos sa isang babaeng lumantad na nagpakilalang ex-gilfriend daw niya na nagsabing isa raw siyang playboy at gold digger? At kung anu-ano pang paninira ang sinasabi?

"Actually, sabi ng manager ko, si Kuya Dondon (Monteverde) huwag ko na raw patulan pa. Huwag na raw akong magsalita pa," sabi pa niya.

"Pero isa lang ang masasabi ko, pag nag-girlfriend ako, isa-isa lang. Gano’n ako ka-faithful. At ‘pag wala akong girlfriend, doon tayo lumiligaw ng marami. Siyempre, naghahanap ka, eh.

"Hindi rin totoo na gold digger ako hustler. I’m not like that. There’s no truth to it. Sabihin n’yo sa akin kung sino ang pinagsamantahalan ko o hunuthutan ng pera," mariing pagtatapos ng dramatic actor. (Ulat ni Robert Perez)

Show comments