Anjo, kinakausap sina Isko at Aiko para sa drugs awareness

Nag-file ng ordinansa si Anjo Yllana sa Parañaque para sa tamang pagpapaalala sa mga kabataan ng bawal na gamot. At ang maganda sa naturang ordinansa ay makatitipid ang mga mamamayan ayaw sa droga na magpalagay ng advertisement sa TV.

Ang panukalang ginawa ng number one councilor ng Parañaque ay maglalagay ng kahit isang pahina sa mga libro, notebook at iba pang gamit ng mga mag-aaral sa elementary at hanggang college ng drug awareness.

Kung kailangan na pakiusapan daw niya ang mga publisher ng mga libro, notebook at iba pa ay kanyang gagawin para hangga’t bata pa ang mag-aaral ay alam na nila ang dapat gawin sa mga pinagbabawal na gamot.

Kinausap na rin ni Anjo sina Councilor Isko Moreno ng Maynila at Councilor Aiko Melendez ng Quezon City na makiisa sa kanyang panukala para sa kanila namang nasasakupan.

Mananawagan din siya sa lahat ng councilor na magkaisa para mabigyan ng babala ang mga kabataan sa droga. At ito ay hindi lang sa ating bansa gustong mangyari ng actor-host-politician.

Show comments