Aga, Sharon nasa kanta ni Aiza

Hindi pa alam kung kelan sisimulan nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach ang gagawin nilang movie sa Viva Films - Pagdating ng Panahon with Aiza Seguerra.

Originally, sa mag-asawang Aga & Charlene ang nasabing project, pero nag-advice ang OB Gyne ni Charlene na hindi na siya puwedeng mapagod dahil six months na ang tummy niya.

Ayon sa isang Viva insider, hindi na ‘yung script na intended sa mag-asawa ang gagawin nina Aga at Sharon. Total revision daw ang ginawa para ibahin ang kuwento.

The last time I heard, hindi pa alam ng megastar ang nasabing project dahil kailangan pa raw magpapayat ni Sharon.

Samantala, hindi na rin daw matutuloy ang movie ni Aga with Maricel Soriano.
*****
Tradisyon na sa showbiz ang birthday celebration ng well-loved PR/Talent Manager & entertainment columnist na si Ms. Ethel Ramos.

Ito lang kasi ang okasyon na sama-sama ang artista at movie press nang hindi ka mai-interview. Wala kang kakausaping artista. Hindi ka kailangang magtanong.

Pupunta ka lang, kakain at makikipag-tsismisan.

Ngayong taon sa Century Imperial ginanap ang party. Actually, second year na ito na sa Century nagpa-party.

Hindi ko na inabutan ‘yung Escolta days nila na do’n sila nagkakainan ng maghapon.

Nang lumipat ng Cubao si Tita Ethel, do’n naman maghapon ang handaan. Halos mapuno ng sasakyan ang buong Ermin Garcia sa rami ng bisita.

Anyway, base sa observation ni Tita Dolor Guevarra, isa sa best friends ni Tita Ethel, ngayong taon yata pinaka-maraming bisita. "Grabe, talo pa ang presscon," Tita Dolor avers.

Halos wala na ngang maupuan ang ibang guest sa rami. Pati TV crews ay dagsa para mag-interview ng mga artistang bisita.

Isa sa mga una kong nakitang ini-interview ang alaga ni Ms. Girlie Rodis na si Rachel Alejandro - tungkol sa kanyang pagpunta sa US. Actually, sabi nga ni Ms. GR, as much as possible ayaw nilang pag-usapan ang tungkol sa pag-alis ni Rachel dahil matagal na naman itong plano ng alaga niya.

Hindi namin nakausap si Joyce Jimenez tungkol sa balitang pagri-retire niya sa showbiz. Pero sabi nga ng isang taga-Regal, hindi puwedeng iwan ni Joyce ang showbiz dahil may pinirmahang kontrata ang sexy actress sa Regal. In fact, anytime raw ay sisimulan na ‘yung movie niya with Diether Ocampo.

Dumating din si Gary V. with Angeli Pangilinan.

Mas nauna namang dumating si Aga Muhlach kay Charlene na dumaan sa isa pang birthday party ng uncle niya.

Pagdating pa lang ni Aga ay nagkakagulo na ang TV crews sa pagi-interview sa soon-to-be-dad ng kambal. "I’m so excited, parang hindi na ako makapaghintay sa babies namin."

Ayon pa kay Aga, normal ang pagbubuntis ni Charlene at wala itong sumpong eversince.

Hindi nagtagal, dumating si Charlene with her mom Elvie Gonzales. Of course, na-interview din siya ng mga taga-TV. "Well, nagi-start na kaming mag-prepare ng room. Kailangan unisex ang color kasi one boy and one girl. So kailangan, ang color puwedeng pang-girl and pang-boy," she informs.

Kasabay ng August 1 birthday ni Tita Ethel ang isa sa maraming anniversaries ng Aga-Charlene romance.

Hindi naman tinigilan si Cogie Domingo hangga’t hindi sinasagot ang tungkol sa bugbugan issue with Oyo Boy at Miko Sotto. Ayon kay Cogie, hindi na lang sila magsasampa ng kaso sa mag-pinsan. Wala raw siyang kasalanan sa nangyari dahil hindi naman niya nililigawan si Anne Curtis.

Samantala, hindi yata kumpleto ang party kung hindi darating si Ms. Susan Roces. Sabi nga nila, way-way back, talagang hindi nawawala si Ms. Susan sa birthday party ni Tita Ethel. Pero maaga siyang umalis.

Dumating din si Assunta de Rossi na fresh sa huge success ng Red Diaries. Parang mas maganda at confident si Assunta ngayon. Pero hindi siya gaanong nagtagal dahil pagod daw sa pagti-theater tour.

Nakipag-puyatan naman si Jude Estrada.

Present din ang two-months preggy na si Karen Davila without her husband DJ Sta Ana.

Nandoon din si Tirso Cruz III with wife Lyn, Marichu Maceda, Armida Siguion-Reyna, Direk Chito Roño, Kevin Vernal, James Blanco, Andrea Bautista and Jay Manalo na ayaw umakyat no’ng una dahil nahihiya raw.

Si Paul Cabral ang nagtahi ng suit ni Tita Ethel that night.

Kasama namang dumating ni Executive Secretary Roberto Romulo ang wife at mga anak niyang si Mons Tantoco and Berna Romulo, samantalang solo naman si Navotas Mayor Toby Tiangco. Pero nakita kong nag-uusap sila ni Joyce na tumulong sa kanyang mangampanya noong election.

Inabot ng hanggang 1:30 ang mga tao sa Century.
*****
Speaking of Tita Ethel, siguro naman mari-realize na ni Ms. Amalia Fuentes na puwedeng mag-demanda ang writer. Yes we can.

Pormal na kasing isinampa ni Tita Ethel ang kaso laban kay Ms. Fuentes. Kasama sa kinasuhan si Ms. Dina Bonnevie as host ng D! Day kung saan lumabas at nagsalita si Ms. Amalia.

Actually, tama lang ‘yung naging move ni Tita Ethel. Kasi kung nagagawa ‘yun ng isang artista sa isang Ethel Ramos na respected talent manager/publicist/writer, what more sa maliliit na writer? Hindi puwedeng apihin ang isang tao porke’t writer lang siya.

May mga supporting documents si Ms. Ethel na magpapatunay sa mga akusasyon niya kay Ms. Fuentes.

Kung may katuwiran, dapat talagang ipaglaban.
*****
Kasabay ng showing ng Cool Dudes sa August 15, Wednesday ang big birthday celebration ni Cogie Domingo sa Dish at the Rockwell Center. "It’s time to party!" enthuses Cogie who turns 16. "After days, weeks and months of working our butts off, we’re gonna have a ball." Expected guest ang buong cast ng Cool DudesDanilo Barrios, James Blanco, Jem Estrada, Angelene Aguilar, Glaiza de Castro, Phoemela Baranda, direk Ruel Bayani, Mother Lily Monteverde and the guys at Penshoppe and the industry’s who’s who. Marami ring surprises for the guests.

"This is an unforgettable event. Not only for me on my 16th birthday, but also for those who have helped me every step of the way. I share this big day with my friends and family and the rest of Cool Dudes gang," Cogie says.

Anyway, ang Cool Dudes ang sinasabing biggest teen cinema event na matagal ding hindi napanood - missed by the moviegoers. "Big movies and happy days are here again," says Mother Lily of Regal.

Ini-expect din ang bagong treatment thru direk Ruel Bayani - new cutting edge na youth oriented movie since ito ang directorial debut niya. "There’s a lot that has changed pagdating sa attention ng span ng new film audiences through the years. This has a lot to do with their exposure, especially the younger set, to MTV. Generous attention is given to soundbites, visual dexterity, the works. Kaya mas mahirap mapasaya ang mga kabataan ngayon. They are easily spot if they’re being taken for a ride by the same boring old stuff," he expresses.

Matagal ding naghintay ng tamang project si direk Ruel bago siya na-convince mag-pelikula. "I owe this vision to the late great Ishmael Bernal who told me even that if I had dreams of being a film director of consequence, there was nowhere else to start my journey than at Regal."

Almost fifteen years nagwo-work behind the camera si Ruel. Actually, sa Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos-Concio siya unang nag-work. Hanggang nagkaroon siya ng break na mag-direk sa TV.

Aside from the late direk Bernal, naging mentor din niya si Direk Laurice Guillen. "Sa kanila talaga ako na-train as assistant director."

Show comments