Famas induction

Bagama’t nag-brownout at sira ang elevator sa Plaridel Hall ng National Press Club of the Philippines (NPC), naging makulay ang gabi ng pagtatalaga sa tungkulin ng FAMAS sa mga bagong halal na panguluhan sa taong 2001-2003 noong July 27, 2001. Labis na nagalak ang bagong pamunuan sa pagpapaunlak ni Mayor Joseph Victor Gomez Ejercito sa paanyaya na maging Inducting Guest of Honor sa kabila ng abot-abot na schedule na dadaluhan. Panauhing pandangal din si Chairman Alejandro Roces, ng MTRCB.

Sa pag-awit ng National Anthem "nag-flashback" si Chairman Anding Roces tungkol sa kumatha ng awitin – si Julian Felipe ng Cavite City at nabanggit din si Gen. Emilio Aguinaldo tungkol sa pagkakagawa ng bandilang Pilipino.

Nabanggit ni Chairman Anding kay Mayor JV na kaibigan niya si Don Emilio Ejercito, lolo ni mayor JV. Sinabi rin ni Chairman Anding na mahusay namang mag-English si President Erap dahil graduate ito sa Ateneo at may track-record naman sa College of Engineering kahit under-graduate sa Mapua Institute of Technology (MIT) kaya lang nang mag-artista, jeepney-driver English ang nakagawiang gamitin.

Matatandaan na si Chairman Anding Roces ang founder ng Maria Clara Awards at talagang taga-Teatro, sila ang may-ari ng Ideal Theatre, hininga niya ang pelikula at bahagi ito ng kaniyang buhay. Bilang dating Secretary ng Department of Education, Señor Roces has a wider than life experience in history, film, culture and theatre. Naging makabuluhan ang palitan ng kuro-kuro nina Mayor JV Ejercito at Chairman Anding Roces. A common and binding interest –better films and long-life of the movie industry. Galak namang nakinig sina Pangulong Charlie Arcega at First Vice President Chit Arnan-Sambilie at sabay nagsabing: "Marami kaming natutuhan, salamat sa inyong pagdalo."

Show comments