Ang masayang barkada ng 'Alas Singko Y Medya'
August 5, 2001 | 12:00am
Unfortunately, hindi ko madalas mapanood ang Alas Singko Y Medya dahilan palabas ito sa oras na nagsisimula pa lamang akong matulog. (Isomniac ako!) The last time na makapanood ako ng show ay nung sina Julius Babao pa at Tintin Bersola ang mga main hosts. I remember guesting on the show twice para makabilang sa isang panel na tumalakay sa isang mahalagang paksa tungkol sa entertainment journalism.
May bago nang set of hosts ang Alas Singko Y Medya na napapanood pa rin sa oras nitong 5:30 -8:30 ng umaga led by Mon Ilagan and Cheryl Cosim who were retained from the Julius/Tintin era because of their developed expertise sa kanilang sari-sariling fields of expertise, si Mon sa news at si Cheryl sa weather. Sina Cheri Mercado at Connie Sison ay mga bagong karagdagan, ditto with Pia Guanio at Bobby Yan.
Bukod sa mga nabanggit na hosts, may isa pang malaking pagbabago sa ASYM, ang Alas Singko Y Medya Patrol na nagbibigay ng balita within the 3-hour show. More segments have been developed para magbigay ng service at information sa mga nangangailangan, bago nila simulan ang kanilang araw.
Masaya ang grupo na nakasama ko sa isang tanghalian. Siguro dahil, Biyernes nun at kinabukasan at susunod pang araw, wala silang palabas sa ASYM. Bagaman may iba pa silang programa bukod sa ASYM, ang pang-umagang programa ang kumukuha ng marami nilang oras sapagkat limang araw sa isang linggo ay naririto sila at sila pa ang sumusulat ng kanilang mga segments.
Si Mon Ilagan ang itinuturing na "Kuya" ng grupo siguro dahilan sa siya ang pinaka-senior. Ang dati niyang pagri-report ng traffic ay ginagawa na ngayon ni Aida Gonzales.
Ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ay ang Senate.
Dating anchor ng Global News si Cheri Mercado at ang unang newscast ng ABS-CBN, ang Gising Pilipinas na pre -program ng ASYM sa ika-5:00 ng umaga. Bukod sa pagiging reporter ng Dos, nagsusulat din siya sa Metro Magazine.
Si Sheryl Cosim ang nagbibigay ng lagay ng panahon sa loob ng apat na taon. Siya rin ang pumapalit kapag may absent sa show "Its all part of being a family," sabi niya. Nagpa-public service na rin siya sa pamamagitan ng Bantay Bata.
Dating main anchor naman ng Hoy Gising si Connie Sison, dating field reporter ng Studio 23 at tagakalap ng balita sa TV Patrol. Apat na taon na siya sa trabahong ito. Nakapag-prodyus na rin siya ng mga istorya sa Bantay Bata at nakapagbigay ng mga special reports sa The Correspondents.
Nagbibigay naman ng live traffic updates si Pia Guanio mula sa isang helicopter na naririnig sa FM radio. Sa kasalukuyan, host siya ng dalawang shows ng Dos, ang ASYM at Review Night sa Sky Cables Channel 22, Cinema One. Mayron siyang solid news and current affairs background matapos magtrabaho ng apat na taon sa programa ni Sen. Loren Legarda na The Inside Story.
Mainstay naman si Bobby Yan ng lifestyle show na M. Nagsimula siya ng kanyang career bilang isang sportscaster ng MBA.
Inamin ng mga hosts na tigatlong tasa ng kape ang naiinom nila bago nila matapos ang show. Dapat ay tuwing matatapos ang show sila mag-aalmusal pero, during the show ay naisisingit nila ang pagkain sapagkat araw-araw ay may dalang pagkain para sa kanila si Bobby. Ito rin ang nagsisilbing panggising nila sapagkat masayahin ito at hindi nawawalan ng pagpapakwela na ginagawa niya in a gentlemanly manner.
Ang lamang ng ASYM sa kanilang kalaban sa kabilang istasyon ay ang pagkakaroon nila ng isang chopper na madaling makalibot ng Kamaynilaan hindi lamang para sa traffic updates kundi para rin sa pagkuha ng mga bagong balita.
Kuya Mon also sees to it na walang nagkukulang ng pansin sa kanyang limang kasamahan. Sinisiguro rin niya na walang nagpi-prima donna sa kanila. "Hindi na kailangan dahil, walang insecure sa kanila. "

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended