"Sa totoo lang," wika ng adprom head na si Ruby Suico, "hindi namin akalaing magiging ganito kainit ang pagtanggap ng mga listeners sa kantang ito ni Michael na third single na sa album niya sa amin. May pagka-hysterical kasi ang lyrics nito at naisip namin noon na baka hindi matanggap ng karamihan lalo na ng kabataan. Pero, iba nga ang nangyayari ngayon. Paborito ito hindi lang ng mga may problema kundi nais lang magkatuwaan o magparinig sa kanilang mga minamahal."
Dating mainstay ng Starbrighters sa TV at kasalukuyang isa sa regular hosts ng noontime show sa Channel 13, si Michael ay labis ding natutuwa at instant hit kaagad ang nabanggit na awitin na itinuturing niyang hango sa kanyang totoong buhay. May panahon din daw kasi na bukambibig niya ang maglasing basta may problema. Kaya nang i-record niya ito ay talagang feel na feel daw niya. Pero, ang payo pa rin niyay huwag idaan sa alak ang paglutas ng problema. Dapat ay harapin ito nang maayos.
Ang "Laging Naglalasing" ni Michael ay obvious na patuloy na namamayagpag sa recording sa kabila ng pagsusulputan ng sangkaterbang baguhan. Iba na talaga pag tunay ang talento, kahit malasing sing pa rin ng sing! (Ulat ni Zar Baisas)