Ang nasabing movie ay tungkol kay Tanya, isang bold star na unti-unti nang nawawala ang kasikatan. Nagdesisyon siyang umuwi sa probinsiya at ditoy pinasok niya ang pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang kalaban ng kasalukuyang alkalde ng kanilang bayan. Naging mainit ang sitwasyon para kay Tanya lalo pat nakarelasyon niya si Lee, ang anak ng alkalde. Ang mga sumunod na pangyayariy magpapatunay na dapat lang na kasabikan si Priscilla ng kanyang mga tagahanga.
Bukod sa Syota, ini-release rin ng C-Interactive sa orihinal na video ang maaksyong Air Rage na tinatampukan nina Ice T at Alexandra Raines.
Ikatlo sa pakete ng releases sa linggong ito ay ang Lets Go Tamiya videos na para naman sa mga kabataang Gen-X at mahilig sa karera ng kotse. Malilimutan nila si Michael Schumacer dahil ang magkapatid na Jet at Joey Seiba ay sasabak sa pinakamatinding karerahan sa mini-4WD World Grand Prix. Isa itong kakaibang panoorin na talaga namang punumpuno ng thrill at suspense. Ikaw nga, mapapapadyak ka sa galak! Para sa mga katanungan, ang mga interesadoy maaaring tumawag sa tel. nos. 2455011-12.