^

PSN Showbiz

Regine, box-office queen

-
Si Regine Velasquez ang hini-hail ngayon bilang legitimate box office queen. Ito ay dahil sa malaking tagumpay ng latest starrer niyang Pangako Ikaw Lang na hanggang ngayon ay showing pa rin sa mga sinehan nationwide.

Patotoo rin daw ito na siya ang nagdala ng pelikula nila ni Robin Padilla last year na siyang naging topgrosser ng 2000. Kung hindi raw, bakit nag-flop ang sumunod na movie ni Robin na Buhay Kamao with Rica Peralejo?

Hindi rin daw gano’n ka-hit ang pakikipagtambal ni Aga Muhlach kay Joyce Jimenez sa huling pelikula nito. Kaya naman masasabing si Regine daw talaga ang nagdadala ng pelikula. At kahit kanino nga raw siya itambal ay siguradong tatabo sa takilya.

"Well, I’m happy dahil kahit once a year lang tayo nakakagawa ng movie eh, talagang maganda parati ang nagiging resulta box office wise. Masarap ang feeling for a simple reason na pinapanood din tayo sa screen na may bayad.

"But then, ayoko rin namang mag-isip ng mga title-title. Enough na sa akin na malaman na kumikita ang movies natin. Na alam kong marami tayong napapaligaya," pakumbaba ni Ms. Velasquez. (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

AGA MUHLACH

BUHAY KAMAO

JOYCE JIMENEZ

MS. VELASQUEZ

PANGAKO IKAW LANG

REGINE VELASQUEZ

RICA PERALEJO

ROBERT PEREZ

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with