Nakatakda nang mapanood ang ikalawang pelikula ni Jacky, ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo, sequel ng Aikido 1, na nagtatampok sa kanya at sa mga Japanese actors na sina Lou Oshiba, Yasuhisa Shioda at Youichi Akasaka at sa mga artistang Pilipino na tulad nina John Regala, Aya Medel, Allona Amor, Franco Guerrero, Brando Legaspi at Conrad Poe.
Dito lamang sa mga ginawa niyang pelikula sa Pilipinas naging artista si Jacky. Sa bansang Hapon isa siyang matagumpay na negosyante. Bilang movie producer, ang kanyang pinakahuling pelikula na Hasen No Maris, ay nagbigay ng karangalan sa kanyang bansa dahilan sa pagtatamo nito ng awards sa mga filmfest sa abroad. Ang lead actress nito na si Hiromi Kuroki ay magkasunod na taon nang napipiling Best Actress. Si Jacky rin ang producer ng isa sa pinaka-popular na serye sa pelikula sa Japan na may titulong Gokudo no Tsumatachi-Revenge na tungkol sa mga asawa ng Japanese Mafia. Ang isa sa pinaka-latest movie niyang ginawa na dito kinunan sa Pilipinas ay may pamagat na Wipe Out.
Isa ring music producer si Jacky. Ang "Mabushigute" na pinrodyus niya at kinompos ay nabigyan ng nominasyon sa Japan Verse Writing 2000 Contest. Ang theme song ng kanyang pelikulang Dudurugin Ko Pati Buto Mo ay sarili niyang komposisyon at siya ring singer nito. Isa itong madamdaming awitin na ginawa niya para mapabuti pa ang relasyon ng kanyang bansang Hapon at ang Pilipinas. Isang big hit ang awitin sa Japan at kabilang sa repertoire ng famous Japanese singer na si Miyako Udagawa.
Ang mga pelikula na ginagawa niya sa labas ng kanyang bansa ay binabalak niyang isali sa mga International Movie Festival 2001.
Bilang aktor naman, may ginawa siyang bagong istilo ng martial arts na ibang-iba sa mga nakita na nating istilo ng mga matagumpay nang martial artists. Ito ang Dance Shoot, na eksklusibo lamang na makikita sa mga pelikula na gagawin niya dito sa Pilipinas. Isa itong martial art na nilagyan ng rhythm. Nasa ikatlong serye na siya ng pelikula, matapos gawin ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo.
Ang Dudurugin... ay ginawa sa lengwaheng Hapon pero nilagyan ng Tagalog subtitle. Bagaman at sa kanyang ilang ulit na pagharap sa local press ay gumamit ng interpreter si Jacky, ang English dialogue ng pelikula ay siya mismo ang nag-dub. Hindi rin siya nahirapan sa kanyang pakikipagtrabaho sa mga Pilipino kahit na madalas ay mga sign language lamang ang kanilang ginagawang komunikasyon.
Walang sexy o love scene si Jacky sa Dudurugin... kahit pa ang kasama niya sa pelikula ay mga sexy actresses tulad nina Aya at Allona.Hindi raw kailangan,pero may love scene ang dalawa sa kanilang Filipino co-stars.
Sa kabila ng pagiging isang matagumpay niya sa mga negosyo,walang yabang kang makikita kay Jacky na gandang-ganda sa mga mata ng Pinay at in love na in love sa bagoong alamang na kinakain niya kasama ng kanin at mas mabuti kung may kasamang kare-kare o kaya ay manggang hilaw.
Type rin niya ang Bicol express.Nagbibigay ito sa kahilingan ng press na kantahin niya ang theme song ng kanyang movie na siya rin ang nag-compose.
Ang outfit na namamahala ng paggawa ng kanyang pelikula dito ay tinatawag niyang True Colors Film Productions,Incorporated na pinamumunuan nina Adelia M. Matibag,President Supervising Producer; Antonio D. Ramos,Line Producer,Production Manager ; Jesus M. Navarro,Tresurer,Film Editor; Joel B. Apuyan,Corporate Director,Film Director; Board Members:Motoharu Oe,Associate Producer,Scriptwriter & Film Documentarist; at Jerry O. Tirazona,Film Director/Scriptwriter/Journalist.