Juday-Mikey, isang matagumpay na tandem
July 24, 2001 | 12:00am
Tulad ng dapat asahan, isang malaking tagumpay sa takilya ang pelikulang Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa ng MMG Films International na nagtatampok sa unang pagkakataon sa drama princess na si Judy Ann Santos at Presidential son, Mikey Macapagal-Arroyo.
Tuwang-tuwa ang mga prodyuser na sina Engr. Ervin at Evelyn Mateo, gayundin ang supervising producer na si Mrs. Estela Ledesma.
Maganda ang kumbinasyon ng dalawa, sa kabila ng mga kontrobersiya ng kanilang pagtatambal. Naging curious, wika nga, ang mga tao sa kanilang nakakikiliting eksena sa Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa. Naging malaking factor din ang magandang istorya, gayundin ang mga pakuwela ng IBF bantamweight champion na si Manny Pacquiao, ang dating child wonder na si Niño Muhlach at ang husay bilang kontrabida ni Joko Diaz. Hindi rin matatawaran ang kakayahan ng iba pa nilang kasama sa pelikula tulad nina Berting Labra, Paquito Diaz, ang nagbabalik-pelikulang si Rhene Imperial, ang baguhang si Yam Ledesma at FAMAS best child actor 2001 na si Patrick Ervie Mateo.
Ang Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa ay mula sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas. Palabas pa ito sa maraming sinehan sa Metro Manila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am
November 23, 2024 - 12:00am