Ang Atalia Massacre ang mapapanood ngayong Martes, 9:00-10:30 p.m. sa Kasangga over GMA 7.
Pinag-usapan ang nangyari at naging istorya sa mga pahayagan.
Hindi na sana madidiskubre ang nakabaong katawan ng mga Atalia kung walang naghukay ng mga lupain para sementuhin ang nasabing lugar.
Nangamoy ang lugar at doon na-kumpirma na yun ang nawawalang mag-iina na matagal ding hinanap ng kanilang kamag-anak.
Si Mark Gil ang gaganap na suspek samantalang si Alma Concepcion naman ang pinatay na misis.
Ang Kasangga ay mapapanood tuwing Martes, 9:00 -10:30 p.m. sa GMA 7.