^

PSN Showbiz

Ang trip ni Marvin

-
Minsan na niyang pinakilig ang mga kababaihan sa kanyang mala-school boy na ngiti. Sexy pero very wholesome. Ganito ang pagkakakilala ng mga tagahanga niya kay Marvin Agustin. Pero kamakailan lang, nagbago ng Trip si Marvin. Mula sa teeny-bopper na pagganap, isang bagong-bihis na Marvin ang matutunghayan sa big screen. At ‘yan ang bagong Trip ni Marvin.

Kasama si Ana Capri, ang aktres na kilala sa pagganap ng mga daring roles, makikipagsabayan si Marvin sa mga passionate love scenes na kauna-unahan niyang gagawin sa pelikulang pinagbibidahan n’ya, ang Trip. Ang dating very wholesome matinee idol ay sasabak na rin sa mga mature roles na tuluyang maglulunsad sa kanya bilang isa sa pinakamagaling nating young actors.

Sa kabila ng pagdagsa ng mga bagong sibol na talents, pinatutunayan ni Marvin na hindi pa rin natitinag ang kanyang kasikatan. Patunay nito ang mga shows niya kung saan regular siyang lumalabas gaya ng MTB at miyembro rin siya ng grupong Whattamen (kasama sina Rico Yan at Dominic Ochoa) na nakikita nating kung anu-ano ang pinagti-tripan sa kanilang commercials.

Off camera, Trip naman ni Marvin ang pagbi-business. Very successful ang kanyang Ricecapades at Mister Donut franchises. At kung sa tingin ninyo ay sa pagtatrabaho lang nakatuon ang atensiyon ni Marvin, nagkakamali kayo. Trip din niya ang pag-aaral. At present, nag-aaral siya sa Thames International Business School.

Blooming showbiz career, successful businessman and ordinary student. Ilan lamang ito sa Trip ni Marvin. Ngayong sasabak na rin siya sa makabuluhang pagganap, siguradong magiging Trip n’yo na rin si Marvin Agustin. Joey Diego

vuukle comment

ANA CAPRI

DOMINIC OCHOA

JOEY DIEGO

MARVIN

MARVIN AGUSTIN

MISTER DONUT

RICO YAN

THAMES INTERNATIONAL BUSINESS SCHOOL

TRIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with