"I am tired of relationsips," ang pauna niyang sambit nang magkaharap-harap kami sa mataong Country Waffles ni Bert Nievera sa Annapolis, Greenhills nung Lunes ng tanghali. Ang napaka-intimate na interview ay dinaluhan din ng matangkad at napaka-gwapo niyang kapatid na si Paul Cavett, una kong nakilala sa Thats Entertainment, na kung saan ay pansamantala rin siyang napabilang. Nasa bansa si Paul para magbakasyon mula sa US na kung saan ay nag-aaral siya ng Electrical Engineering under the guidance of his paternal grandmother. He is 23 years old, almost 6 ft. in height at kung maikukuha ng trabaho ng Genesis, isang talent management na siya ring humahawak sa career ng kanyang kapatid under the helm of Angeli Pangilinan Valenciano, okay lang sa kanya. Otherwise, payag siya na mag-relax na lamang at samahan ang kapatid sa mga lakad nito. Ipinagbukas siya ni Donita ng isang bank account para raw may magastos siya habang naririto.
Going back to Donita sinabi niya na baka sakaling mag-boyfriend siyang muli kapag nakakita na siya ng isang super pogi at mabait na lalaki. "I tell men who show interest in me that I am not in the market for a relationship. I am busy with God and my career," mabilis niyang pagtatapos. Hahabol pa siya sa kanyang flight for Singapore but she would be back in three days time.
But director Yam Laranas has nothing but high praises for his stars. "Pareho silang magaling. Rufa Mae has successfully transformed herself from a comedian to a more mature and intense actress. Epi on the other hand is really a child of showbusiness. Talagang alam mong nasa dugo niya ang pag-aartista kaya wala siyang kahirap-hirap sa mga eksena," sabi niya.
Radyo also stars Bojo Molina, Katya Santos, RJ Leyran, Shermain Santiago at Louie Medel.
Sa isang panayam kay Epi (Jeffrey), sinabi niyang ipinagmamalaki niya ang Radyo. "Ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko para sa aking role. Hindi ako pumupunta sa set nang hindi ako nakahanda," pagmamalaki niya.
"Okey lang mag-gay role. I enjoy being something I am not pero, sana hindi naman lagi-lagi. I fear na baka makahon na ako sa ganitong role," dagdag niya.
Bagaman at kinikilala na siya bilang isang mahusay na aktor, naniniwala siya na mas magaling sa kanya ang kapatid niyang si Eric Quizon. "Hindi ako makakarating sa kinalalagyan ko ngayon without him. Ang lahat ng nalalaman ko sa aking trabaho, the whole attitude of filmmaking, ay natutunan ko sa kanya," he humbly says at the same time also admitting na magaling ding aktor ang isa pa nilang kapatid, si Ronnie Quizon. "Hindi pa lamang siya nabibigyan ng magandang break," sabi niya.
Ang palabas ay isang modeling search na itinuturing na pinaka-bonggang gimik sa local live entertainment.
Bukod dito may isa pang gimik ang nasabing lugar. Ito ang "Mr. Colt Popularity Contest of the Night" na matutunghayan tuwing Sabado ng gabi. Bukas ang pakontes sa lahat ng kalalakihang umiinom ng Colt 45 at nagtataglay ng magandang mukhat katawan.
Audience ang pumipili ng mananalo. Mga guest din ang tumatayong mga judges. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng sticker. Sino man ang may pinaka-maraming sticker na nakadikit ang mananalo.
Kung nais nyong mag-enjoy kasama ang mga matitipunong lalaki ay go na kayo sa Jefzs. Ito ay nasa ground floor ng New Solanie Hotel (1811 Leon Guinto Street, Malate, Manila). Para sa mga detalye, tumawag sa 5248641. Hanapin si Ms. Donna Papa.