Paano sumilang ang Red Diaries kung saan gumaganap ng tatlong katauhan si Assuntaisang babaeng nakakulong sa bahay at pinagnasaan ng iba-ibang lalake, isang dalagang pinagpapantasyahan ng isang seminarista at isang babaeng binubugbog ng asawa na sa kalaunan ay pinaghigantihan ang lalakeng kabiyak.
Sabi ni direk Maryo J. delos Reyes, "Actually, the idea of Red Diaries stemmed from the acquisition of Xerex, yung sex stories serialized sa isang tabloid. Yon sana ang gusto naming gawing pelikula. But we discovered na nauna na si Chito Roño na nakipag-usap para rito and there is no way Xerex could be gotten away from him. We asked some researchers to make a study of Xerex and we discovered that they were just mere sexy tales. Naisip na lang naming gumawa ng tatlong istorya na sexy ang dating. Thus, Red Diaries was born.
"Nang mabuo na ang script, naging problema kung sino ang sexy star na lalabas, patuloy ni Maryo J. sa Regal coffee shop. "Si Ina Raymundo, hindi puwede dahil buntis. Si Priscilla Almeda, nasa America, ayaw pang bumalik ng Pilipinas. Si Ara Mina, natagpuan yung tatay niya, mukhang ayaw nang mag-bold. Nag-isip kami kung sino yung sweet-innocent looking girl na bagay sa role. Until Manny Valera came up with Assuntas name. Pero papayag ba si Assunta? Baka sa gitna ng shooting mag-back out siya?
"We sent her the script at pumayag siya after she read it. Pero apprehensive ako kung kaya niya. Kaya ba niyang mag-topless, mag-seduce ng lalake at mag-undergo ng passionate kissing scenes? So, kinausap ko siyang mabuti. Okey naman. I psychologically conditioned her for her roles. Ano siya, eh, kailangan, eye-to-eye contact pagkausap mo siya dahil parang kung saan-saan lumilipad ang utak. Ganito ang gagawin mo, sabi ko, tumingin ka sa akin, sabi ko sa kanya sa bawat eksena niya."
At nagtagumpay ba si Maryo J. na mapaarte si Assunta?
"Oo, nagtagumpay ako!" sabi niya, deretsahan. "She was able to act beyond my expectations. Nahirapan siya sa third story pero nakaarte siya ng husto. The third story is dramatically heavy. Light lang yung dalawa. Kailangan yung third story to test her acting ability. Dahil launching picture niya ito. Hindi puwedeng puro paghuhubad lang ang gagawin niya. Kailangang may acting siyang ipakita. She passed the test with flying colors. In a scale of one to ten, I will rank her 7-8, ganyan."
Kampante naman si Assunta de Rossi sa bago niyang image bilang sexy star o bold actress. "I think the time has come for me to change my image, from wholesome to bold. Opportunity knocks once at kung hindi ito iga-grab, baka pagsisihan ko.
"Ang totoo, ikalawang opportunity na ito. Nung iri-make sana yung Katorse, and I was just 14 then, tumanggi ako. And now, with Red Diaries, tatanggihan ko pa?
"Nagkaroon din ako ng apprehension dahil ang iniisip ng mga tao sa mga hubadera walang breeding. Pero wala na akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa akin. Alam ko ang sarili ko. Supportive naman ang mga kapatid ko, and even my mommy. My daddy is in Italy. He wont mind my breast exposure in the cinema. Dahil sa Italy, advertisement lang ng mineral water, nakahubot hubad na yung babae."
Ano kaya ang magiging reaction ng boyfriend niyang si Rommel Adducul sa bago niyang image? "Dati ko siyang boyfriend, loveless ako ngayon. Tatlong taon kaming magkakilala. Born-again Christian siya. For sure, he knows what I did. If he wants to watch my film, its up to him. If he doesnt want to, thats it. Ang importante, yung suporta ng mga tao na naiintindihan ako. This is actually a career move. I am only portraying a role. Hinihingi ng pelikula at istorya na magkaroon ako ng breast exposure ako. So, whats the big deal? By the way, yung relationship namin ni Rommel is off and on. And now, its off."
Ano ang ideal man ni Assunta? "Simple lang. For one, he does not need to be a basketball player. As long as he is taller than me. Kasi, 59" ang height ko. He should stand six feet tall and up."
Anim na taon na sa showbiz ang disi-otso anyos na sexy star. Nagsimula siya sa Thats Entertainment noong 1997. Naging regular cast siya ng Bubble Gang, pagkatapos. Unang pelikula niya ang Medrano. Hindi gaanong challenging yung mga pelikula ko in the past. Limitado kasi ang range ng character ko. Hindi gaya rito sa Red Diaries, each character I portray is important. Thanks to the actors who supported me, gaya nina Dante Rivero, Carlos Morales and Anton Bernardo, at si Tita Pilar Pilapil."
May nagsasabing mas mahusay pang umarte ang kapatid niyang si Allesandra sa kanya. Katunayan ang FAMAS nomination nito for best supporting actress sa Asuzena. "Well, I am happy for my sister dahil napansin agad ang husay niya sa pag-arte. But there is no sibling rivalry between us. Kaya ko rin tinanggap itong Red Diaries para matigil na yung pagkukumpara sa aming dalawa. She is only 17 and I love her very much.
Ipinanganak si Assunta sa southern part ng Italy noong 1983. Palipat-lipat sila ng lugar dahil nasa Italian Navy ang tatay niya. Pilipina ang nanay niya. Nanirahan sila sa England noong 1984. Balik silang muli ng Italy, pagkatapos ng dalawang taon. Tumira sila ng Rome mula 1990 hanggang 1992. Sa Pilipinas sila humimpil mula 1992 hanggang 1993. Balik muli ng Italy pagkatapos. Noong 1994 permanente nang nanirahan sa Pilipinas ang mag-anak, pero patuloy pang naglalakbay ang tatay ni Assunta sa Italy. Noong 1997 pinasok ni Assunta ang showbiz. Ngayong 2001 lang siya nabigyan ng malaking break. "I know my father will support me in my career. He speaks Italian at hindi na ako gaanong makapagsalita ng Italian, kasi walang practice. I miss my daddy so much."