Ayon pa sa aking source ay palipat-lipat ng bahay ang magandang aktres at ngayon ay sa kalapit-lalawigan na ito nakatira. Dati kasi ay ratsada siya sa paglabas sa pelikula at telebisyon pero ngayon ay mangilan-ngilan na lang ang kanyang proyekto. Isa siya sa nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa showbiz bukod pa sa pagiging sexy. Magaling din siyang umarte lalo na sa drama.
Hindi rin maasahan ang pagdalo ng mga artista sa ganitong pagtitipon. Karamihan ay may taping o syuting. Higit sa lahat nasa kamay ng mga prodyuser ang pagmo-motivate sa kanilang mga artista na bigyang halaga ang pagdalo sa mga ganitong klaseng okasyon.
Ang Metro Manila Film Festival ay makakatulong para maiangat ang antas ng pelikulang Tagalog at sa pamamagitan ng pagtataas ng revenue ay masusuportahan nito ang tatlong mahahalagang institution sa film industry gaya ng MOWELFUND, Film Academy of the Philippines at Motion Picture Anti-Film Piracy Council.
Ang kanyang programang SAGIP ay nakakatulong siya lalo na kapag may bagyo. Lagi siyang naka-monitor sa mga lugar na binabaha lalo na sa mga nakatira sa gilid ng estero sa ilang bahagi ng Tondo. Tumutulong din siya sa mga taong nasunugan. Higit sa lahat ay mahalaga sa kanya ang pagbibigay ng edukasyon sa mga mahihirap kaya itinatag ang computer literacy program. Mayroon nang 1,000 na estudyante ang nakapagtapos sa nasabing Computer School. Dalawang buwan itong kinukuha at yoong gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo ay binibigyan ni Isko ng scholarship basta’t deserving ang estudyante. Bago napasok sa showbiz ang actor-politician ay naka-isang taon ng pag-aaral sa Philippine Maritime Institute. Pangarap sana niyang maging isang kapitan ng barko.
Sa kabilang banda, nagustuhan ng mga manonood ang tambalan nina Dingdong at Regine Velasquez sa isang episode ng Larawan na tinampukan ng aktor. Pangarap din niyang makapareha sa pelikula ang hinahangaang singer. May movie ngayon si Dingdong titled Pagdating ng Panahon bilang nakababatang kapatid ni Aga Muhlach.
Kinuha siyang regular ng Magandang Tanghali Bayan at minsan ay semi-regular sa ASAP. "Sobra-sobra nang biyaya ang natatanggap ko dahil bukod sa regular shows ko ay napasama pa rin ako sa Home Along Da Riles at sa Dulo ng Walang Hanggan. Nakapagpundar na rin ako ng mga gamit gaya ng bago kong biling trooper dahil di ko na na-recover ang na-carnap kong van. Nag-iipon akong mabuti dahil gusto kong makabili ng sariling bahay," aniya.
Hindi nababakante sa paggawa ng pelikula ang seksing aktres. Katunayan ay kasama siya sa Parehas ang Laban ng Solar Films na tinatampukan nina Ian Veneracion at Daisy Reyes sa direksyon ni William Mayo. "For the first time ay wala akong maiinit na eksena dahil isa akong kapitan dito. Sasabak ako sa maraming action scenes gaya ng barilan at bakbakan. Kalaban namin dito ang mga goons. May background naman ako sa martial arts kaya gustung-gusto kong lumabas sa maaaksyong pelikula."
Maganda ang karma ni Angela dahil tumutulong pa rin siya sa pamilya kung saan nagpapadala siya ng sustento sa kanyang ina at kapatid na bunso. Pangarap pa rin ng seksing aktres na maging recording artist ng Star Records.
Matatag pa rin ang kanyang lovelife kung saan nagkabalikan na sila ni John Apacible at mas naging stable ang kanilang relasyon ngayon dahil naroon na ang higit na pang-unawa at respeto sa isa’t-isa.