Habang walang pelikulang ginagawa ay abala ito sa kanyang pagiging singer. Gusto din niyang kumuha ng piano lesson at makapag-compose pa ng maraming awitin. Bata pa ay mahilig na si Ara sa musika.
Kuntento na siya sa takbo ng career niya ngayon kahit wala pa siyang pelikulang ginagawa. "Abala rin naman ako sa mga show ko rito at sa abroad. Baka may concert uli ako sa Amerika. Hindi naman ako pinababayaan ni Dondon (Monteverde) na manager ko. Inihahanap lang ako ng magandang project," aniya.
Inamin niya na hanggang ngayon ay wala pa siyang natatagpuang lalaki para maging nobyo. "Nakikipag-date ako sa ilang manliligaw pero talagang zero pa rin ang aking lovelife."
Tuwang-tuwa si Mikey dahil tinanggap ng mga tao ang kanyang launching movie at inspirado ito sa syuting ng susunod niyang pelikula sa MMG Films at Solar Films. Baka si Jolina Magdangal o Angelika dela Cruz ang makapareha niya para sa Solar movie. Sampu pa ang nakalinya niyang pelikula at may gagawing din siya sa Viva Films na malamang na makatambal niya si Regine Velasquez na isa sa pangarap niyang maging leading lady.
"Kumusta naman si Yoyoy bilang ama?" tanong ko kay Hanna.
"I have a happy family. Mabait si mommy at daddy kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa ako nag-aasawa. 27 years old na ako pero wala pa ring planong lumagay sa tahimik. Im contented kay Ronald (Gan) at wala na akong makikita pang katulad niya. Disciplinarian si Daddy kaya lumaki kaming magkakapatid na may values," anang singer.
Laging magkasama ang mag-ama sa mga concert noon pero ngayon ay naghihiwalay na rin lalo na pagdating sa mga shows sa abroad. Busy kasi minsan si Yoyoy sa kanyang TV hosting at pelikula.
Inihahanda na ang susunod nitong pelikula sa MMG Films kung saan makakasama ni Ronald si Manny Pacquiao.