Paano nga ba makakaahon ang ating industriya ng pelikula kung walang kooperasyon ang mga producer at artista? Sa ginanap na launching ng
27th Metro Manila Film Festival sa Wack Wack Golf and Country Club nung Huwebes ng gabi ay halos walang nakitang mga artista o producer kaya. Sayang dahil maganda yung musical program na inihanda participated in by
Marco Sison, Dessa, Sunshine Dizon and
Dulce with hosts
Arnell Ignacio and
Sherilyn Reyes. Maski na ang mga mayors ng Metro Manila who were supposed to host the affair were absent. Tanging sina
Mayors Jose Capco ng Pateros at
Toby Tiangco ng Navotas were present. Syempre andun sina
Atty Esperidion Laxa, Chairman Ben Abalos at ang producers na sina
Manny Nuqui at
Wilson Tieng. From a reliable source nalaman ko na tinawagan ang maraming lider ng pelikula pero nalalayuan daw sa lugar at nagsabing pipiliting pumunta pero, di rin sila dumating.
Paki-explain nga kung paano nga uunlad ang industriya kung sa ganyang kaliit at minsan sa isang taong pagtitipon ay ayaw puntahan ng mga producer at artista. Paki-explain nga!
Matapos ang matatagumpay na mga konsyerto nina
Martin Nievera at
Jaya para sa
The Crossover Live Tour, isang concert series para sa
DWBM 105.1, si
Lani Misalucha naman ang magkakaroon ng performances para sa nasabing concert series una sa Grand Ballroom ng Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City sa Agosto 4, 8 ng gabi at sa Araneta Coliseum sa Setyembre 8 sa pareho ring oras.
Joining Lani are
Joey Generoso of
Side A Band at si
Malik with stage direction by
Rowell Santiago and Musical direction by
Louie Ocampo. Tickets to both concerts are priced at P1000, P600, P400, P200 at P75.
Bale sila ang pantapat ng
Regal Films sa
Hunks ng
ABS CBN. Tatatlo lamang sila compared to the five young men ng
Dos pero hindi ibig sabihin ay llamado na sila sa kanilang mga kalaban sapagkat guwapo rin sina
Cogie Domingo, Danilo Barrios at
James Blanco na ilulunsad ni
Mother Lily Monteverde sa isang pam-bagets na pelikula, ang
Cool Dudes. Di tulad ng kanilang counterparts, hindi mamasel ang tatlo, mas gusto nilang tanggapin sila ng tao dahilan sa kanilang talino.
Of the three, pinaka-tahimik si
James Blanco, ang endorser ng isang beauty soap. Ang kanyang boy next door look ay madaling nakagaanan ng loob ng tao kung kaya napasali siya sa
Cool Dudes na magpapakilala rin kina
Glaiza de Castro, Gemmalene Estrada at
Angelene Aguilar bilang love interest ng tatlong kabataang lalaki.
"Its time to bring the whole family back to the movies. Its time for a cool change," anang matriarka ng
Regal.
The cool change seems to creep up on the three young men na inaasahang masusundan ang bakas ng mga nakaraang
Regal Babies.
"Pag mahina kang tumunog, di ka cool," ani James. "Pakiramdaman na lang kasi ngayon, lahat dinadaan sa tunugan. Yung ability to sense kung okay o cool yung style mo o hindi. Either you have it in you or not, pag mahina kang tumunog, di ka cool," paniguro niya.