A few years after that depressing lost, nagbabalik si Tanya sa isang musical concert na magaganap sa Downtown ng Hotel Rembrandt ngayong gabi, Hulyo 21, na pinamagatang Two-Gether. Makaka-back-to-back niya sa show ang isa sa naging malapit niyang kaibigan sa showbiz, si Tintin Gonzaga with special guest, Lance Raymundo.
Bagaman at walang masyadong balita kay Tanya, hindi ibig sabihin ay wala na siyang ginagawa para mapaunlad ang kanyang career. Regular siyang kumakanta sa Calesa Bar ng Hyatt Regency every Mondays at tuwing Martes nasa Stonehouse naman siya, isang napaka-intimate na lugar sa Rodriguez Ave. na dinadayo ng mga tao for its food and subdued entertainment. Alternate sila dito ni Tintin who sings every Mondays at sa Calesa Bar every Thursday at Tuesdays naman sa Century Park Hotel.
Bagaman at isa ring kabataan, isang multi talent si Tintin Gonzaga, 17 taong gulang at regular na napapanood sa mga programa sa TV tulad ng Bubble Gang, SOP, Ikaw Lang Ang Mamahalin, pawang mga palabas ng GMA7. Beterana rin siya ng maraming singing contests simula nung apat na taong gulang siya at naging front act ng mga sikat nang performers tulad nina Jolina Magdangal, Side A Band, atbp. Nakalabas na rin siya sa isang pelikula nina Vic Sotto at Michael V.
Panauhin ng dalawang magagaling na young singers si Lance Raymundo, isang recording artist na kasalukuyang humihirit ang single na "Hope For The Lonely Nights" mula sa kanyang self-titled album. Gusto sanang magdoktor ni Lance having finished his BS Biology in UP Manila pero mas nanaig ang kaway ng showbiz, marahil dahilan sa nagmula siya sa isang showbiz family, his mom a former movie star, his dad a movie and TV commercial producer at his brother Rannie, an excellent singer/producer and an actor too.
Sa kanilang Two-Gether concert the three young performers will dish out pop & R&B numbers, solo and in group plus an array of standard songs na kagigiliwan maging ng kanilang nakatatandang audience, those who will surely accompany their children to the show.
Ipinagbibigay alam din na makukuha lamang ng lahat ng nagsibili ng tiket ang kanilang refund sa Ticketnet ng Araneta Coliseum, mula Agosto 1 hanggang 15, 2-5 ng hapon. Para sa iba pang ulat, tungkol sa pagsasauli ng tiket, tumawag sa 9115555.
Dahil sa ipinakitang lakas ng pelikula sa takilya, isusunod kaagad ang follow up movie ni Halina na Sa Dagat Ng Pagnanasa.