Trayanggulo mula sa C-Interactive
July 19, 2001 | 12:00am
Una ang Double Cross ay nagsimula sa di inaasahang pakikipagtalik ng isang lalaki sa isang magandang blonde. Nauwi ito sa isang aksidente at inakala ng babae na itoy kagagawan ng kanyang asawa dahil sa insurance. Nagplano siyang patayin ito sa tulong ng hindi nagsususpetsang kalaguyo. Bandang huli, magkakaalaman. Tatanggi ba ang kalaguyo sa nais ng blonde na kanyang kinababaliwan? Mas matindi pa sa inyong isasagot ang makikita sa erotic thriller na ito na pinangungunahan nina Patrick Bergin, Jennifer Tilly at Kelly Preston.
Ikalawa, ang Dangerous Indiscretion ay tungkol naman sa isang mayaman at tusong negosyante na si Roger Everett na walang pakialam kung sino man ang maapakan sa kanyang mga gawain. Nang ang kanyang battered wife na si Caroline ay nakipagrelasyon sa ibang lalake, isang karumal-dumal na paghihiganti ang binalak ni Roger. Mararanasan ninyo ang sexual lifesyle ng mga celebrities sa pamamagitan ng napaka-bold na pagganap nina C. Thomas Howell, Malcolm McDowell at Joan Severance.
At ikatlo, ang Immortal Sins ay may pagka-supernatural ang dating ng istorya. Tungkol kasi ito kay Michael Alvarez, sa kanyang batambatang asawa na si Susan at sa isang magandang babae, si Diana, na isa palang multo na may pagnanasa kay Michael. Nais ni Diana na makasama si Michael sa kabilang buhay. Pero, hindi papayag si Susan kung kayat kailangan niyang labanan ang kapangyarihang demonyo ni Diana. Paano? Masa-shock kayo sa bizarre love triangle na ito na tinatampukan nina Cliff de Young, Maryam D Abo at Shari Shattuck. (Ulat ni Zar Baisas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended