Si KC ay taga-San Miguel Bulakan at naiiba ang style niya sa kapwa mga Bulakenya na nasa showbiz. Malakas ang loob niya sa paghuhubad, wala siyang takot.
"Gusto ko kasing sumikat. Gusto kong magkapangalan sa showbiz," sabi ni KC noong magpa-interbyu sa kanyang bahay sa Multi-National sa Parañaque.
Flawless ang beauty ng babaing ito. Gatas daw kasi ang ipinanliligo niya at tatlong beses maligo sa isang araw kapag hindi siya abala.
"Hindi naman ako yung tipo ng babaing nago-opisina, uuwi kapag tanghali para maligo lang," sabi ni KC. Ibig niyang sabihin, naliligo siya ng tatlong beses kung nasa bahay lang. Sabi ni KC, gusto niya sa lalaki, older ng two or three years sa kanya. Ayaw niya ng DOM. May papa siya pero ama niya na nagtatrabaho sa abroad.
Gladys Gonzales ang tunay niyang pangalan. (Ulat ni Vir Gonzales)