Paano pa raw kasi ibebenta ang loveteam nina Judy Ann at Piolo kung umeeksena naman si Ms. Fernandez? At ano nga raw ba ang gustong palabasin ng dating misis ni Martin Nievera?
"Its unfair for Pops. Shes just a friend at wala naman sigurong masama kung manood siya ng concert namin.
"Ang hirap naman kasi sa atin, masyado tayong mapaghusga. Masyado rin tayong malisyoso," simula ni Piolo nang makausap namin.
"Nagtataka ako kung bakit pilit kaming nili-link ni Pops. Nagsimula yan sa Singapore nung magkasama kami, tapos pagbalik namin dito, non-stop na ang intriga.
"Wala naman sigurong masama kung mag-date kami dahil grupo naman kaming lumalabas," pagpapatuloy niya.
Nagtatampo raw si Judy Ann dahil ang feeling daw nito ay naglilihim siya? Nagmumukha raw siyang tanga? Pinagtataguan at nililinlang?
"I guess, thats over. Wala namang problema sa amin ni Juday, and I know her. Alam kong di niya papatulan itong mga intriga. Broad minded na tao si Juday," sabi na lang ni Mr. Pascual.
Pero gaano kaya katotoo na pupunta raw sana si Judy Ann sa concert ng Hunks, pero di na raw ito tumuloy nang malamang nandon si Pops? (Ulat ni ROBERT PEREZ)