^

PSN Showbiz

Juday imbyerna sa Piolo, Pops date

-
Imbyerna na raw si Judy Ann Santos sa walang katapusang linking between Piolo Pascual and Pops Fernandez. Mas lalo pang napagdudahan ang relasyon nina Pops at Piolo nang makita si Pops sa concert ng Hunks sa Music Museum recently.

Paano pa raw kasi ibebenta ang loveteam nina Judy Ann at Piolo kung umeeksena naman si Ms. Fernandez? At ano nga raw ba ang gustong palabasin ng dating misis ni Martin Nievera?

"It’s unfair for Pops. She’s just a friend at wala naman sigurong masama kung manood siya ng concert namin.

"Ang hirap naman kasi sa atin, masyado tayong mapaghusga. Masyado rin tayong malisyoso," simula ni Piolo nang makausap namin.

"Nagtataka ako kung bakit pilit kaming nili-link ni Pops. Nagsimula ‘yan sa Singapore nu’ng magkasama kami, ‘tapos pagbalik namin dito, non-stop na ang intriga.

"Wala naman sigurong masama kung mag-date kami dahil grupo naman kaming lumalabas," pagpapatuloy niya.

Nagtatampo raw si Judy Ann dahil ang feeling daw nito ay naglilihim siya? Nagmumukha raw siyang tanga? Pinagtataguan at nililinlang?

"I guess, that’s over. Wala namang problema sa amin ni Juday, and I know her. Alam kong ‘di niya papatulan itong mga intriga. Broad minded na tao si Juday," sabi na lang ni Mr. Pascual.

Pero gaano kaya katotoo na pupunta raw sana si Judy Ann sa concert ng Hunks, pero ‘di na raw ito tumuloy nang malamang nando’n si Pops? (Ulat ni ROBERT PEREZ)

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MARTIN NIEVERA

MR. PASCUAL

MS. FERNANDEZ

MUSIC MUSEUM

PIOLO

PIOLO PASCUAL

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with