Sinisisi si Rica sa hindi magandang record ng pelikula

Ang ganda na sana ng takbo ng career ni Rica Peralejo. Bigla, tinagurian siyang ‘Pantasya ng Bayan’ after Joyce Jimenez. Aba, akalain bang pagkatapos ipalabas ang movie niyang Sa Huling Paghihintay, sa kanya ibinato ang sisi at pamimintas para sa naturang movie.

Kung iisipin, ano bang malay ni Rica sa bagay na yon? Hindi naman siya ang sumulat ng istorya, o hindi naman siya ang nagkukuwento at lalong hindi naman siya yung nagdirek. Boring daw kasi yung movie, na may ipinakikita pang mga matatandang nag-uusap na hindi maintindihan ng mga nanonood.

Noong bibigyan ng break si Mylene Dizon sa Viva, bigla namang negative write-ups ang umulan against her. Ni hindi nga sila nag-uusap ni Mylene o sinisiraan kaya. Basta, natuklasan na lang ni Rica, kontrabida ang beauty niya.

"Pero hindi ko sila iniintindi. Bakit ako magpapaapekto sa kanila? Trabaho naman nila talaga yung siraan ako. Well, sorry hindi nila ako kayang igupo," say ni Rica. Dasal lang daw ang ipinanlalaban niya sa mga taong inggitero at maninira sa kanya. At nalulusutan naman ito.

Nagtataka rin si Rica, pati yung Buhay Kamao sa kanya isinisisi noong iba. "Bakit ako ba ang boksingero?" tanong niya.

Lalo silang maiinggit ngayon, kapag nalamang malapit ng ipalabas ang Banyo Queen kapareha niya si Andrw E. Muli, wholesome siya. (Ulat ni Vir Gonzales)

Show comments