Ito ang bulong sa amin ng isang GMA-7 insider kung saan nakatakda na rin daw ilunsad si Dingdong sa isang soap opera, katapat ang daily soap ni Diether sa ABS-CBN 2.
Ayon pa sa aming nakausap, ngayong August na ang simula ng nasabing TV soap ni Mr. Dantes pagkatapos ng kanyang four episodes sa Larawan. Pero ayaw munang magbigay ng details ni Dingdong ukol dito.
"Basta Im happy with GMA. Ang feeling ko ngayon, parang nagbunga na rin lahat yung matagal na paghihintay ko," excited na sabi pa ng guwapong binata.
Ayaw din ngang isipin ni Dingdong na siya ang magiging sagot ng Syete kay Diether ng Dos. And that, ayaw din niyang ilagay sa ulo ang titulong Drama Prince bilang panapat kay Diether.
"I know where I stand at alam kong marami pa rin akong dapat na patunayan. Ngayon pa rin lang ako nagsisimula. Kaya napakabigat para sa akin ng title na yon.
"Alam kong marami ang mas deserving sa akin for that title. Andyan din sina Jericho (Rosales), Piolo (Pascual)... Marami talagang magagaling. Kaya mahirap na. Ipagpapasalamat ko na lang ang lahat at magtatrabaho na lang ako nang maayos."
At this point, nausisa naman ang tungkol sa tsikang si China Cojuangco ang umanoy bagong love ng buhay niya.
"Were friends, pero hindi totoo na kami na o nililigawan ko siya. Nakakahiya naman sa kanya. Baka isipin pa nung tao na binibigyan ko ng malice yung friendship namin.
"Nagsimula ang friendship namin nung mag-host kami sa Binibining Pilpinas. And thats it," paglilinaw niya.
Ano kaya ang masasabi rito ni Onemig Bondoc? (Ulat ni Robert Perez)